Camera 14 - On the Edge

109K 2.1K 100
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Kaz's POV*

"Eh mali rin naman kasi yung ginawa ng Gag show. Hindi dapat nila pinaglaruan ng ganun ang mag-asawa lalo na ngayon na buntis si Vivi," saad ng taga-hangang tindera sa palengke.

"Kahit naman siguro ako ang nandun, susuntokin ko talaga ang sinumang pinapahamak ang mag-ina ko," sagot naman ng isang lalaki na parang napapadaan lang.

"Para sa akin, mali ang ginawang pagsuntok ni Kaz sa host pero dapat din kasi sanang nakiramdam muna ang show sa kalagayan ng mag-asawa," sabi ng isang babaeng parang office worker.

"Ah basta ako, kinikilig ako sa mag-asawa. Pinapakita lamang na wagas ang pagmamahalan nila dahil handa silang magsakripisyo para sa isa't isa," kinikilig namang saad ng isang napapadaang estudyante.

Marami pang opinyon ang narinig ko mula sa ginawang interview ng isang news program sa TV. Karamihan ng mga sagot ay nagpapahiwatig ng pag-intindi sa ginawa kong pagsuntok sa host ng gag show kagabi, gayunpaman, nagsampa pa rin ng reklamo ang host laban sa akin kaya nababahala pa rin ang mga managers namin ni Vivi.

Nasa hotel kami ngayon dahil dito kami tumuloy pagkatapos ng nangyari kagabi. Nakaupo ako sa sofa habang nilalagyan naman ni Vivi ng yelo ang namamaga ko pang kamay.

"Aray, dahan-dahan lang," reklamo ko nang madiinan niya ang paglagay ng yelo.

"Bakit ka naman kasi nanuntok?" inis na saad niya. Hindi ko naman siya masagot kasi ano ba ang isasagot ko? Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako nanuntok kagabi. Lagi naman akong napapasabak prank at sa tuwing nangyayari yun, tinatawanan ko na lang. Pero hindi ko maipaliwanag bakit sobra akong nagalit sa nangyari kagabi. Hindi ko kasi maipinta ang takot sa hitsura ni Vivi at lalo akong naiinis sa tuwing naaalala ko ang pag-iyak niya habang pakiramdam ko ay wala akong silbi dahil wala akong magawa para mapagaan ang loob niya. Ito pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat. Ayaw na ayaw ko talagang makakita ng babaeng umiiyak.

"Ikasisira ba ito ng career ni Kengkoy?" nag-alalang tanong ni Vivi kay Roger.

"Hindi yan ikasisira sa career niya. Hindi mo ba nakita? Mas lalo siyang minahal ng sambayanan," turo ni Roger sa TV, "naging dakilang asawa siya sa paningin ng masa."

"Eh yun naman pala," yumuko si Vivi, "so bakit kailangan pa nating magmeeting?"

"Dahil may problema tayo," sagot ni Roger sa mababang boses.

"Ano yung problema?" tumingin si Vivi kay Roger saka umayos ng pwesto sa pagkaupo.

"Lalo kayong minahal ng tagahanga niyo dahil sa pinakita niyo kagabi. Kayo na ang pinakasikat na real-life love team ng bansa. Mas tinutukan din ang buhay niyo lalo na ngayon na inisip ng sambayanan na buntis si Vivi,"saad ni Roger.

"Ano ang problema doon? Magagawan naman natin yan ng –" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto.

"Vivi, baby," bumungad sa harap namin sina Mommy Charm at Mommy Cassy, "are you okay? Is the baby okay?" pumasok si Mommy Charm at kasama niya ang mommy ko.

"Si what I mean?" saad ni Roger kaya agad akong napatingin kay Vivi.

Nakita ko ang matamlay na paghilig ni Vivi sa sandalan ng sofa habang sinusuri siya ng dalawang mommy namin. Hindi ko maiwasang mainis ulit sa sarili. I dragged her again into this situation. Una, inamin kong fiancé ko siya. Ngayon naman, dahil sa init ng ulo panununtok ko, kailangan naming harapin ang panibagong hamon, ang magpanggap siyang buntis.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon