Lights 11 - Making Memories

126K 2.7K 117
                                    

*Kaz's POV*

Maaga akong bumangon dahil hindi ako sanay na may katabing matulog, lalong lalo na kung ang katabi ko ay katulad ng babaeng nakahiga sa kama ko ngayon.   Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.

"I hate you!" nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Bumiling ako para tignan siya at natawa ako dahil tulog siyang nagsalilta.

"Why do you hate me?" tanong ko.  Sabi nila, kapag ang tao daw nagsasalita habang tulog, pwedi mo raw itong tanungin at magsasabi daw ito ng totoo.

"Dahil binabalewala mo ako," tulog pa rin siyang sumagot.

"Bakit? Ano ba ang gusto mong gawin ko?" Napangisi ako habang dahan-dahang sumandal sa headboard.

"Iparamdam mo sa akin na mahal mo ako, na importante ako sa buhay ninyo, na kahit hindi ko katulad ang mga ate ko, espesyal pa rin ako," naiiyak niyang sabi dahilan ng pag-alala ko.  Sino kaya ang naiisip niyang kausap?

"Bakit mo naisip na hindi kita pinapahalagahan?" tanong ko.  Ilang minuto rin akong naghintay pero hindi na siya sumagot kaya hindi ko maiwasang mapaisip.  Palaban at mataas ang bilib sa sarili ang pagkakakilala ko sa kanya kaya nagulat ako nang marinig ko siyang ganito. 

Lumabas ako para makapaghanda ng agahan pero naunahan na pala ako ng mga mommies namin.

"Good morning," bati ko sa kanila saka ko nilapitan si mommy para halikan sa pisngi.

"Ang sweet," paghanga ni mommy Charm.

"Ikaw ang maswerte, balae," baling sa kanya ni mommy, "tatlong babae yang anak mo, mas maalaga at mas malambing ang mga babae, di ba?"

"Naku! Ibahin mo ang mga anak ko.  Career lagi ang nasa isip," saad ni mommy Charm.

"Mukha namang sweet si Vivi, balae."

"Haay naku! Sa lahat ng anak ko, siya ata ang hindi tumanda kaya nga nagulat ako dahil siya pa ang mauunang mag-asawa," natatawa niyang saad.

"Nakikita kong excited ka nga eh," tumawa din si Mommy Cassy.

"Siyempre! Hindi na ako makapaghintay na tulungan siyang pumili ng kanyang wedding dress at ng mga susuotin ng kanyang entourage," napapalakpak si Mommy Charm.

"Hahaha! Naku sanay ka na siguro sa mga ganyan.  Biruin mo, tatlong babae yan.  Ang ganda siguro ng mga debut nila," saad ni Mommy Cassy.

"Naku di naman. Yung panganay ko lang ang nagpaparty kasi yung pangalawa, mas pinili niyang pumunta sa Paris para doon magcelebrate.  Wala ring party na naganap for Vivi," paliwanag ni Mommy Charm.

"Hindi nakapag-debut si Vivi? Bakit?" tanong ni Mommy habang nagpatuloy sa pagluto ng omelet.

"Nasa London ako habang abala ang daddy niya sa negosyo sa Barcelona," matabang na sagot ni Mommy Charm. 

"Hindi ba nagtampo si Vivienne?" nalungkot si Mommy Cassy.

Nagkibit balikat si Mommy Charm saka sinabing, "sanay na si Vivi, besides, mahigit isang taon na rin silang hindi nagkausap ng Daddy niya."

"Bakit naman sila magkagalit?" tanong ulit ni mommy.

"My husband wants her to take business course pero nagpumilit si Vivi and she took multimedia arts, instead," paliwanag niya, "Nagalit ang daddy niya dahil hindi raw magandang kurso ang multimedia arts.  It was only expensive but it was all talent, not skills."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon