Lights 3 - Getting On It

143K 3.1K 194
                                    

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Kilalanin siya at alamin ang saloovin ni Kaz Legaspi sa https://www.facebook.com/kazlegaspi.official?fref=ts

Kilalanin siya at alamin ang saloovin ni connect with Vivienne Charmaine Sy at https://www.facebook.com/profile.php?id=100009321254579&fref=ts

*Viv’s POV*

Unang araw ng pagpapanggap naming, at ano ang gagawin namin? Magpapakita lang naman kami sa publiko bilang magnobyo.  That easy.  Just a piece of cake.

Fan’s day and at album signing ni Kengkoy ngayon sa mall pero wala talagang modo ang loko kasi hindi man lang ako dinaanan sa condo.  Nakakawalang gana man, hindi ako mag-iinarte ngayon dahil dapat in character ako ngayon.  Dapat ma-internalize ko ang role ko bilang isang dakilang supportive girlfriend ni Kengkoy.

We’re here, are you ready?” tanong ni Louwinsky nang marating na namin ang tapat ng mall. 

Tandaan mo, Viv, boyfriend mo si Kaz at ikakasal na kayo kaya dapat sobrang malambing ka sa kanya,” paalala niya bago kami makababa, “Huwag mong pairalin ang pagka-amazona mo sa labas.  Dapat demure ka at tandaan mong laging humawak sa braso ni Kaz.”

Oo na,” sagot ko sa kanya saka kami bumaba ng kotse.

Agad kong nakita si Greek god, I mean, si Kengkoy na bumaba na rin sa kotse niya.  Kita mo tong taong ’to? Kung makangiti lang talaga, halatang playboy. Nakasombreto siya ngayon, naka-checkered polo, naka-khaki pants at nakasuot ng super plastic signature smile niya pero in fairness ha, ang ganda ng mga ngipin niya at nangungusap naman ang mga mata niya habang lumapit sa akin.

Shall we?” yaya niya kaya agad akong tumabi sa kanya habang naglakad na kami patungong entrance ng mall.

Ipulopot mo kamay mo kay Kaz,” pasimpleng bulong ni Louwinsky habang nagmadali itong sumabay sa paglakad sa amin.  As if on cue, ipinulupot ko ang kamay ko sa braso niya.  Agad ko namang napansin ang pagsilay ng kanyang ngiti.  Aba ’tong lokong ’to? Nagustohan ata ang paghawak ko sa kanyang braso; pero siyempre in character ako kaya todo pa rin ang ngiti ko.

Namangha ako sa dami ng taong nag-aabang para lang magpa-sign ng album sa kanya.  Alam kong sikat siya, pero hindi ko akalaing maraming baliw sa kanya dahil dumumog ang mga tao papunta sa amin.  Sanay ako sa ganitong eksena dahil dati namang sikat ang bandang ako kasama dati pero iba kasi ang nangyayari ngayon dahil halos lahat ng babae ay gustong mgpapapicture sa idol nila hanggang maitulak  na ako sa gilid.

Gago pala tong taong ’to! Siya yung nang-aangkin na girlfriend niya ako pero sa halip na hawakan ako  ay binitawan pa ako para maakbayan ang mga taga-hanga niya.  Nagmukha tuloy akong ewan na nakatayo dito sa gilid habang pinanood siyang sarap na sarap sa mga yakap at halik sa pisngi ng mga babaeng tagahanga niya.

Dito ka nalang Miss Viv,” saad nung isang crew na nakapansin sa akin.

Mabuti pa tong crew, may concern,” inirapan ko siya kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

’Humanda ka sa akin, Kengkoy ka!’ mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa sobrang inis, ’May panahon ka rin sa akin!

Umabot ng buong araw ang album signing ni Kaz kaya eto ako, nakaupo sa gilid, ngumingiti kahit wala namang dapat ikangiti.  Eto naman siya, ang sarap ng pakiramdam sa tuwing nagrerequest ang fan ng selfie kasama siya;at walang humpay ang ngiti niya na para bang nakatapal na ito sa mukha niya.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon