*Viv's POV*
Tahimik naming narating ang condo. Alam kong mabigat ang kalooban niya kaya hinayaan ko na lang rin. Dumiretso siya sa kusina at nagluto ng pansit canton. Hindi na ako ang-ingay pero pinagmasdan ko lang siya.
Wala akong kapatid na lalaki kaya hindi ko alam kung paano kausapin ang isang broken hearted na lalaki. Ibang klaseng tao kasi ang kasama ko ngayon. Sa halip na nagpakalasing, nagpakabusog na lang siya sa pansit canton na may marshmallows.
"Kengkoy,"pagbasag ko sa katahimikan.
"Huwag kang magulo, nag-eemo ako," sagot niya.
"Kausapin mo na lang kaya ako," suhestiyon ko.
"Alam mo bang ang pag-ibig ay parang tubig na may asin?" tanong niya sa akin.
"Huh?" naguguluhan ako.
"Kita mo? Hindi mo alam dahil wala ka pang alam sa pag-ibig," umiling siya saka nagpatuloy sa pagkain ng pansit canton.
"Mas nakakaintindi ako kapag idadaan natin sa kanta," sabi ko, "Kengkoy," napahinto siya sa pagkain saka ako tinignan, "kung ikakanta mo ang nararamdaman mo ngayon, anong kanta ang kakantahin mo?"
Napansin ko ang pagbagsak ng kanyang balikat saka bahagyang tumitig sa kinakain niya,"Pansamantala by Callalily," malimit niyang sagot.
"Hindi ako pamilyar sa kanta, pwedi mo bang kantahin kahit ang chorus lang?" sabi ko.
"Sandali," inubos niya ang natirang pansit canton sa bowl saka tumayo at hinugasan ang pinagkainan, "mas maganda kung may gitara," patuloy niya saka siya naglakad patungong salas.
Sinundan ko siya habang kinuha niya ang kanyang gitara saka umupo sa sofa, "dito ka," turo niya sa tabi niya. Sinimulan niya ang pagpapatugtog ang gitara hanggang sa kantahin niya ang chorus, "Pansamantalang unan sa tuwing ika'y nahihirapan, pansamantalang panyo sa tuwing ika'y nasasaktan."
Naramdaman ko ang hinanakit niya dahil pakiramdam ko nasa ganung sitwasyon din ako ngayon. Nagpatuloy siya sa pagkanta, " Bakit ba sa akin na lang palagi ang takbo sa tuwing kayo ay may away. Ako ang lagi mong karamay 'di naman tayo, hindi, 'di ba't hindi."
Ito yung oras na mas gugustohin kong asarin niya na lang ako. Bakit ako nasasaktan? Naaawa lang ba ako sa kanya o unti-unti ko nang binitawan ang sarili ko para mahulog?
"Ang drama mo!" tinawanan ko siya para maiba ang mood niya pero mali ata ako dahil hindi siya kumibo bagkus tumayo dala ang kanyang gitara. Agad akong nataranta, "Hoy Kengkoy! Biro lang."
"Ihahatid na kita," sagot niya.
"Bakit ka nagtitiis?" napahinto siya, "bakit hindi mo ipaglaban ang nararamdaman mo?"
"Hindi mo maiiintindihan," malimit niyang sagot.
"I may be young but I am not a noob, Kaz," hinarap ko siya, "Alam kong nasasaktan ka kaya ilabas mo ito. Gamitin mo ako."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo," tinignan niya ako.
"Isipin mo na ako si ate Patricia. Ilabas mo ang nararamdaman mo," mariin kong sabi. Akala ko makikipagbangayan pa siya sa akin pero nagulat ako nang bigla na lang niya akong nilapitan at hinalikan sa mga labi ko.
Hindi ko alam kung ano dapat ang gagawin ko. Napag-aralan ko 'to pero kakaiba pa rin ang nararamdaman ko. Maingat pero madiing halik ang iginawad niya sa akin. Nagustohan ko 'to pero alam na alam kong hindi para sa akin ang halik na 'to.
BINABASA MO ANG
My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)
ChickLitKailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang hopeless romantic ng Adonis band... at siya si Vivienne Charmaine Sy, MY ON-CAM WIFE Matagal nang maha...