*Kaz's POV*
Sumakit ang ulo ko dahil sa narinig ko. Titira dito ang mga ina namin pero ang hindi ko masukat isipin ay ang isipang inakala ng mga ito na sa iisang kwarto kami ni Viv.
"Anong gagawin natin?" natarantang tanong niya, "I can't sleep in one room with you."
"Relax, Viv," nahihilo ako sa pabalik-balik niyang paglakad, "kami na ang bahala ni Roger. I promise you, they'd be gone before you know it."
Bumuntong hininga siya, namaywang saka tumingala sa taas, "how did I get into this trouble," bulong niya pero sapat na marinig ko. Tumayo ako at niyakap siya sa likod, "Don't worry, I got your back."
Naramdaman ko ang pagkalma ng kanyang katawan kaya pinihit ko siya, "sabayan lang muna natin ang paniniwala nilang magkasama tayong nakatira dito."
"Pero wala akong gamit dito,"saad niya.
"Nagtext na ako kay Louwinsky. Pinapahanda ko sa kanya ang mga gamit mo para daanan natin mamaya. I am sure aalis did mamaya sinal Mommy para kumuha ng gagamitin nila," sagot ko, "Besides, I have free spaces in my cabinet kaya walang problema yun."
"Eh saan ako matutulog?" tanong niya.
"Sa kama, saan pa ba?" sagot ko.
"Eh ikaw, saan ka matutulog?" tanong niya ulit.
"Sa kama rin," pasimple kong sagot.
"What? You mean tabi tayong matutulog?"
"Anong problema dun? Sarap sarap ka ngang nakatulog sa dibdib ko kagabi eh," pang-aasar ko sa kanya.
"Anong sarap? Nagkakastiff-neck na nga ata ako," reklamo niya.
"Sa akin ka kasi laging tumitingin kaya ayan, nagka-stiff neck ka tuloy," sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa.
"Ewan ko sayo!" saad niya saka niya ako tinalikuran.
"Huwag mo nang ideny, umamin ka na sa akin kagabi, di ba?" saad ko.
"Hindi ko pa sinabing mahal na kita," humarap siya sa akin, "I like you, simple as that baka ikaw yung may gusto sa akin?"
"Ako? Taas ng pangarap mo ah!" tumatawa pa rin ako.
"Humanda ka Kaz Legaspi dahil kapag ikaw nahulog sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka na makakabangon," pagmamalaki niya.
"Viv, kumapit ka," umakto akong kumapit sa pader, "Ang lakas ng bagyo baka tangayin ka ng hangin."
Nagdabog siya saka tuluyang lumabas.
'Sana nga, Viv,' bulong ko sa isip ko, 'sana nga mahuhulog ako sayo.'
Sinamantala namin ang pagkakataong umalis sina mommy para kumaha ng mga gamit. Dahil alam na ni Louwinsky ang tungkol sa agarang paglipat ni Viv, nakahanda na ang mga gamit niya sa salas pagdating namin.
"Dadalhin mo yan?" napakunot ang noo ko nang makita ko ang kanyang life-sized tweety bird stuff toy, "ang dami naman ng gamit mo, ilang araw ka lang naman sa condo."
"Gusto niyong maniwala ang mommy ni Viv na doon siya nakatira sa condo mo, di ba?" saad ni Louwinsky.
Hindi ako sumagot pero tumango lang ako, "then you'll have to bring all these things! These are the things Viv can never live without."
BINABASA MO ANG
My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)
ChickLitKailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang hopeless romantic ng Adonis band... at siya si Vivienne Charmaine Sy, MY ON-CAM WIFE Matagal nang maha...