Action 11 - Get It Right

95.9K 2.2K 195
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Kaz's POV*

Natauhan ako nang makita kong takot na takot na tumakbo papasok ng banyo si Vivienne. Hindi ko akalaing magagawa ko yun sa kanya. Sinundan ko siya upang humingi sana ng paumanhin ngunit narinig ko ang hagolhol niya sa loob kaya naisip kong hayaan ko muna siya.

Alam kong ilang beses kong nasaktan si Vivi dahil kay Patricia pero alam na ni Vivienne ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Pat sa simula pa lang. Nagbigay din ako ng babala at sinabi kong huwag muna siyang mahulog hangga't hindi pa ako handa. Iba naman ang sitwasyon namin ngayon. Napakuyom ako nang maalala ko ulit ang sinabi niya. Hindi ako galit dahil nakipaghalikan siya, galit ako dahil ilang beses ko silang tinanong tungkol sa kung ano ang namagitan sa kanila pero pinapaniwala nila akong magkaibigan lang sila. Hindi rin naman makatwiran yung pumayag siyang mahalikan dahil lang sa selos niya sa amin ni Pat. Ano yun? Gagohan lang? An eye for an eye, a tooth for tooth, ganun lang ba?

"Aaargh!" napasabunot ako sa buhok ko habang nakayuko sa counter ng bar ni Mago.

"Ganyan na ba katindi ang nararamdaman mo para magmukhang baliw ka jan?" tanong ni Mago.

"Nasaktan ko si Vivi, Pare," saad ko.

"Galit ka lang, Pare," saad ni Mago.

Tama siya, galit ako pero hindi kay Vivi. Galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil nasagad ko siya. Galit ako dahil hindi ako nakapagpigil at napakawalan ko ang matinding selos na kailanman ay hindi ko naramdaman kay Patricia. Para akong batang naagawan ng laruan. Para akong asong pinagkaitan ng buto.

"Yan kasi," saad ni Mago habang nagsalin ng inumin sa baso ko, "sineseryoso niyo kasi ang relasyon. Bakit ayaw niyong gumaya sa akin?"

"Langya ka, Pare. S3x lang naman ang habol mo sa mga babae," saad ko.

"That's exactly the point, Kaz," ipinatong ni Mago ang mga kamay niya sa counter, "I want s3x ang nothing else. No commitments and no responsibilities, just pure steamy, satisfying s3x."

"Hindi gamit ang mga babae, Pare," saad ko, "hindi sila yung tipong pagsasawaan mo lang saka iiwanan."

"You're wrong, Pare," natatawang saad ni Mago, "all of my women knew that they cannot have more than just a satisfying s3x. Ang iisipin ko lang ay pareho kaming satisfied without the expectation that we can have the same moment again."

"Eh paano si Arlene," tumingin ako sa kanya, "asawa mo na yun. Huwag mong sabihing pati siya walang aasahan sa inyo?"

"Sa simula pa lang, alam na ni Arlene na wala siyang aasahan," saad ni Mago, "may kasunduan kami at pumayag siya sa kasunduang yun."

"Pumayag si Arlene sa kasunduan niyo? Paano kung mapagod si Arlene?" saad ko.

"Yun ang gusto ko, Pare," malungkot siyang tumingin sa akin, "my life is too messed up to drag her with it."

"Takte, Pare! Mahal mo si Arlene," sinalubong ko ang titig niya, "mas gugustohin mo bang makitang nasasaktan siya kaysa makitang masaya siya sa piling mo?"

"I am too broken to love her, pare," saad ni Mago, "mahal ko siya, Oo. Pero hindi yun sapat upang kalimutan ko ang nangyari sa nakaraan."

Napaisip ako sa sitwasyon ni Mago. Ganun din ako dati; ginusto ko ring mapagod si Vivienne. Mariin akong napapikit. Huli na ba ako? Bumitaw na kaya talaga si Vivi? Tinungga ko ang alak saka ako nagdesisyon. Ipaglalaban ko si Vivi, mahal niya ako at mahal ko siya. Walang sinuman ang makakasira sa pagmamahalan namin. Hindi ako magiging katulad ni Mago; hindi ko huhukayin ang nakaraan para lamang masira kami.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon