Camera 2 - What Else is New?

99.5K 2.2K 138
                                    


*Vivi's POV*

Kahit pagod at antok na antok na, kailangan kong imulat ang aking mga mata upang pakinggan ang mga halubilin nina Louwinsky at Roger tungkol sa pagsasama namin ng peke kong asawa. Naging usap-usapan pa rin kasi ang tungkol sa larawan na naghahalikan sina Kaz at Patricia, at mas umugong ang spekulasyong may lihim silang relasyon dahil napag-alaman ng media na kasama namin ng isang linggo si Patricia sa iisang bubong.

"Let's make things clear," saad ni Roger habang pabalik-balik siya ng tingin sa amin ni Kaz, "sa mata ng mundo, mag-asawa kayo kaya speak like one and act like one."

"Unang una," tumingin si Roger sa listahan niya, "maraming paparazzi ang nakaabang lagi sa labas ng bahay niyo. Nakikita niyo ba yung puno sa kabilang kalsada?"

Sabay kaming tumango ni Kaz.

"Yan palagi ang ginagamit ng mga paparazzi upang makakuha ng magandang litrato ninyo," paliwanag ni Roger.

"At dahil diyan kaya namin naisipan naming lagyan ng glass window ang kwarto niyo," sabat ni Louwinsky.

"Para saan? Para public display of affection?" inis na tanong ni Kaz.

"Yun na nga, Kaz," kumpirma ni Louwinsky.

"Hindi ba masyadong na-violate na ang privacy namin niyan?" tutol ni Kaz.

"Tumahimik ka, gago ka!" tumaas ang boses ni Louwinsky, "wala kang karapatang magreklamo dahil kung tutuusin, ang alaga ko ang naargrabyado sa ginawa mong kalandian!"

"Louwinsky, hindi naman ata tama na pagsabihan mo ng ganyan ang alaga ko," kalmado pero halatang may galit na saad ni Roger.

"Eh kung ayaw mong mapagsabihan yang alaga mo, eh di sabihin mo sa kanya na maging masunoring bata siya ngayon!"

"Inaamin kong may kasalanan ako pero hindi ba parang si Vivienne pa rin ang kawawa sa gagawin natin?" saad ni Kaz.

"Kaya ko ang sarili ko," sabat ko, "hindi mo kailangang mag-alala sa akin."

"Talaga lang ha?" inirapan ako ni Kaz, "Hindi madali itong pinag-uusapan natin dito."

"Huwag ka ngang mataranta! Halata ka tuloy na naapektohan ka sa halikan natin kanina," pilyo ko siyang inasar.

"Ako? Huh! Huwag kang masyadong magyabang, Thesis, marami na akong nahalikan. Bakit? Ikaw, ilan na ba ang nahalikan mo?" ballik niya sa akin.

"For your information, baka nakalimutan mong nakahalik na rin ako ng iba!" agad kong sagot sa tanong niya. Hindi ako dapat magpapatalo sa kanya.

"Tama na nga yan?" napasapok si Roger sa mesa, "pare-pareho tayong pagod kaya kung gusto niyong magbanghayan, gawin niyo yan pagkatapos ng briefing natin at nang makapagpahinga na kami."

Pareho kaming natahimik ni Kaz. Pagod na rin ako kaya gusto ko na ring matapos ang briefing na 'to para makapagpahinga na kami.

"Okay balik tayo sa glass window," pagpapatuloy ni Louwinsky, "sinadya naming lagyan ng glass window ang kwarto niyo para doon kayo magpapakita ng lambingan bago matulog at tuwing umaga."

"Aist!" nag-ingay si Kaz pero agad siyang tinapik ni Roger kaya hindi na siya nagsalita.

"Nilista namin ang lahat na dapat niyong gawin sa loob ng isang taong pagsasama upang hindi niyo ito malilimutan," binigyan kami ng tig-iisang kopya ng listahan.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon