Action 5 - Three Men and a Lady

119K 2.3K 256
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Vivi's POV*

Nagising ako dahil sa pagbukas ng ilaw. Napakunot noo akong bumangon habang inaalala kung paano ako nakarating sa silid namin. Ang naalala ko lang, nagpanggap akong natulog sa biyahe kagabi. Naiinis kasi ako sa sarili dahil alam ko naman kasing nagpapanggap kami pero bakit ba ako umasang totoo yung mga sinabi niya? Bakit ba ako naniniwalang may halong pagmamahal ang halik niya? Akala ko kaya ko pa pero sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo kong inaasam na sana isang araw magising si Kaz Legaspi na ako na ang mahal niya.

"Gising ka na pala?" saad ni Kaz habang abala sa pagliligpit ng gamit.

"Paano ako nakarating dito?" tanong ko.

"Nakatulog ka kagabi. Halatang napagod ka sa biyahe kaya kinarga na lang kita papunta dito," paliwanag niya habang abala pa rin sa ginagawa. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil napansin kong suot ko na pala ang white shirt niya.

"I-ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?" kinakabahang tanong.

"Thesis," hinarap niya ako habang namaywang, "kahit nakita ko na ang lahat diyan nirerespeto pa rin kita bilang babae."

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi kaya yumuko ako para hindi niya mapansin, "Eh sino ang nagbihis sa akin?"

"Nakisuyo ako kay Patricia," oo nga pala, bakit ko ba laging nakakalimutang may iba pala kaming kasama sa bahay.

"Magready ka na, Thesis," saad niya, "dadaanan na lang daw tayo nina Roger dito."

Kahit pagod, bumangon pa rin ako. Ngayon kasi namin itutuloy yung photoshoot para sa isang magazine. Natigil kasi ito nung hinimatay ako at marami pa raw mga shots ang kailangan naming tapusin.

"Doon pa rin ba ang photoshoot?" tanong ko.

"Sa ibang resort na naman daw tayo," narinig kong sagot niya, "sabi ni Roger, may isang resort daw ang tumawag para mafeature sa magazine kaya doon natin itutuloy ang photoshoot."

Hindi na ako sumagot at diretsong pumasok ng banyo. Hindi ako nagtagal sa shower kasi ayokong mahuli. Ayaw kasi ni Kaz na pinaghihintay siya. Nagulat nga ako dahil dati lagi niya akong pinapauna dahil mabagal daw kumilos ang mga babae.

Umiinom siya ng kape nang bumaba ako ng hagdanan. Lihim ko siyang sinulyapan dahil kahit ilang umaga ko na siyang nakikitang umiinom ng kape, hindi pa rin ako nagsasawang panoorin siya. Ang gwapo niya lalong lalo na kapag namumula ang ilong at pisngi dahil sa init ng kanyang iniinom. Dumiretso ako sa salas para ilagay ang mga gamit ko sa sofa. Naisipan kong magkape na lang din pagkatapos kong nalagay ang mga gamit ko sa salas pero nagulat ako nang halos mabangga ko si Kaz na ngayon pala ay nasa likod ko.

"Inumin mo 'to," utos niya habang binigay sa akin ang isang baso ng gatas.

"Gatas?" nasambit ko, "gusto kong uminom ng coffee."

"Matagal ang biyahe kaya gatas dapat ang inumin mo," saad niya, "kainin mo na rin yung hinanda kong breakfast sa table."

Pilit kong itinago ang kilig habang tinanggap ko ang gatas saka tinungo ang dining table. Napangiti ako nang makita kong nagluto siya ng itlog at beef tapa para sa agahan ko, "ubusin mo yan. Baka himatayan ka na naman at mapipilitan na naman tayong mamalagi sa resort."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon