*Kaz's POV*
Ininda ko ang pagod dahil kailangan kong nanamang pakinggan ang mga sermon nina Roger at Louwinsky. Sakit talaga sa ulo 'tong dalawang 'to dahil mula noong nag-asawa kami ni Vivi, nakikialam na si Louwinsky sa mga schedules ko. 'Asawa,' napaisip ako. Hindi ko pa pala nasabi kay Vivienne na hindi peke ang pinirmahan niyang marriage contract. Hindi ko rin masasabi sa kanya na nakipagkasunduan ako sa kanyang ama. Ayokong isipin niyang napilitan lang ang ama niya sa gawin ang surprise sa debut niya dahil nakita ko kung gaano siya kasaya nung makita niya ang kanyang ama sa gabing iyun. Ayokong sirain ang alaala niyang iyun.
"Kaz," tawag ni Roger sa akin, "nakikinig ka pa ba?"
"Yeah I heard you," sagot ko.
"Heard?" sabat naman ni Vivi, "iba ang heard sa listening."
"Pwede ba?" hinilot ko ang noo ko, "wala akong lakas para makipag-banghayan sayo ngayon. Bukas na tayo mag-away, okay?"
"Eh makinig ka na kasi para matapos na 'to!" inis niyang saad, "hindi lang ikaw ang pagod, pagod din ako!"
"Pagod? Eh buong hapon kang tulog sa van," saad ko.
"Kinawawa mo naman ako na parang alalay mo!" sagot niya.
"Eh di ba asawa kita?" hinarap ko siya, "natural sayo na pagsilbihan mo ako, isip bata ka kasi kaya hindi mo yun alam."
"Kaz! Vivi!" mariing saad ni Roger, "pwede ba? Lahat tayo ay pagod na kaya para matapos na ang meeting na ito, magconcentrate naman kayo."
"Siya eh!" sabay naming saad kaya nagkatinginan kami, "anong ako?" sabay ulit naming nasabi.
"Magbabanghayan ba kayo buong gabi o tatapusin natin ito ng maayos?" ultimatum ni Roger.
Pareho kaming natahimik ni Vivi habang padabog naman siyang napahalukipkip sa kamay.
"Watch your manners, Vivi" napangiti ako sa narinig ko kay Louwinsky, para lang kasing bata si Vivi kung pagsabihan ni Louwinsky.
"Ginawa natin itong meeting na ito para matapos na ang mga espekyulasyon tungkol sa relasyon nina Kaz at Patricia," panimula ni Roger, "kaya isisingit natin ang isang couple's day out ninyo. At para hindi maging mukhang scripted, gusto namin na kayo mismo ang pipili ng mga gagawin niyo."
"Tama," pagsang-ayon ni Louwinsky,"dapat pareho niyong gusto ang mga gagawin niyo para hindi kayo mukhang napipilitan. Yung parang ini-enjoy niyo lang talaga ang moment."
"Sa makalawa natin isisingit ang couple's day na yan," saad ni Roger.
"Sa makalawa?" napaangat ako ng tingin kay Roger, "Di ba sabi ko sayo blankuhin mo yang araw na yan dahil sasamahan ko si Patricia sa doktor," pagtutol ko. Naging madalas na kasi ang pagkakahilo ni Patricia lalong lalo na sa umaga kaya naisipan kong samahan siya para magpapacheck-up sa doktor.
"Hindi mo responsibilidad si Patricia," ma-awtoridad na sagot ni Roger.
"Nasa pamamahay ko siya kaya responsibilidad ko siya," sagot ko.
BINABASA MO ANG
My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)
ChickLitKailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang hopeless romantic ng Adonis band... at siya si Vivienne Charmaine Sy, MY ON-CAM WIFE Matagal nang maha...