Please like our FB pages
www.facebook.com/AdonisSeries
www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses
Join us in our FBGroup
Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)
*Vivi's POV*
Maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement. Ngayong araw kasi namin gagawin yung pagiging isang araw na magulang sa isang bata. Matagal ko na kasing pinangarap na magkaroon ng kapatid na bunso. Dahil diyan, lagi akong nanghihiram ng baby sa mga tita at pinsan ko tuwing may reunion. Pakiramdam ko, magiging masaya ang araw ko dahil maaaliw ako sa batang babantayan namin.
"Tandaan niyo ha," paalala ni Louwinsky, "mahigit isang taong bata ang makakasama niyo. Kayo ang tatayong magulang habang nakasunod sa inyo ang camera ng network."
"Don't worry," sagot ni Kaz, "I had it covered."
"Siguraduhin niyo ha," inirapan kami ni Louwinsky, "at iwasan niyong magbanghayan dahil may camera."
Agad naming narating ang apartment ng mag-asawa, "Mr. and Mrs. Corro, sina Kaz at Vivi," pinakilala kami ng host sa mag-asawa, "Kaz at Vivi, sila ang mag-asawang papalitan niyo ng isang araw. Si Jayde at ang asawa niyang si Jane," pagpatuloy niya.
"Hi," bati ko sa mag-asawa.
"Ang ganda mo talaga," puri sa akin ni Jane na ngayon ay dala ang bata.
"Ito na ba si baby Kevin," tinangka kung hawakan ang bata ngunit agad itong yumakap ng mahigpit sa kanyang ina.
"Huwag mo kasing biglain ang bata," saad ni Kaz saka lumapit sa mag-ina.
"Hello," saad niya sa bata saka nagtago sa likod ni Jane habang mahina niyang tinapik ang kamay ng bata. Agad na tiningnan ng bata ang banda kung saan siya tinapik ni Kaz pero agad na nakalipat si Kaz sa kabila kaya di ito nakita ng bata. Nakita kong lumiwanag ang mata ng bata, lalo na nung tinapik ni Kaz ang kabilang kamay nito. Nagmadali ulit ang bata sa pagtingin sa kabila na siya namang paglipat ni Kaz sa kabila. Ngumiti na ang bata pero pinagpatuloy ni Kaz ang ginawa hanggang kunwari ay nahuli na siya ng bata. Nang magtama na ang kanilang tingin, agad na napahalakhak ang bata at dahil diyan, pumayag na itong magpakarga sa kanya.
"Kita mo?" pagmamalaki ni Kaz, "matuto ka sa akin para maging magiliw yang baby natin."
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya kahit alam kong pagpapanggap lang ang sinabi niya. Lumingon na lamang ako kay Jane na ngayon ay nakangiti na dahil naging kampante ang bata kay Kaz.
"Kevin nga pala ang pangalan ng bata," saad ni Jane, "nakahanda na rin ang gatas at baby bottles niya. Pati yung babay food niya, lalagyan na lang ng tubig."
"O sige," tapik sa akin ng host, "kayo na ang bahala kay baby Kevin," saad nito saka sila sabay-sabay na umalis.
"Bye bye na baby," saad ni Jane habang hinalikan si baby Kevin sa pisngi.
"Kengkoy," tawag ko.
"Aist! Daddy ako ngayon tapos ikaw, Mommy," pagtama niya sa akin.
"Sorry," mahina kong saad, "kung sakaling mangangawit ka, pwede mong ibigay sa akin si baby."
"Hindi ako mapapagod kay baby," saad niya habang sinasayaw sayaw ito.
"Ang damot mo," napa-pout ako.

BINABASA MO ANG
My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)
Chick-LitKailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang hopeless romantic ng Adonis band... at siya si Vivienne Charmaine Sy, MY ON-CAM WIFE Matagal nang maha...