*Kaz's POV*
Isang malaking pagkakamali ang ginawa ko kagabi. Nagpadala ako sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Patricia. Akala ko yun na yun. Handa akong sirain ang career ko para sa kanya pero nabigo ako nung dalhin ko siya dito. Sinabi niya sa akin na hindi niya kaya. Sinabi niya sa akin na si Stuart pa rin ang mahal niya.
Gusto kong mainis sa kanya pero hindi ko magawa. Mahal ko siya at kakayanin ko ang sakit dahil ayoko siyang makulong sa pagmamahal ko. Gusto ko, kung mapupunta siya sa akin ito ay dahil ako ang mahal niya. Nasaktan siya dahil mahal niya si Stuart kaya galit ako ng makaharap ko si Stuart, pero nakita ko kung paano lunukin ni Stuart ang kanyang pride para magmakaawang ibalik ko sa kanya si Patricia.
Hindi ko pipilitin si Patricia pero hahayaan ko naman si Stuart na suyuin siya. Alam masasaktan ako pero mas mabuti na yung ako ang masaktan kaysa ang babaeng mahal ko. Alam kong si Stuart ang kaligayahan niya kaya ako na ang magparaya.
Nahihiya akong harapin si Vivienne dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi. Pinaalala ni Louwinsky sa akin ang pagkakamali ko. Ang laki kong gago. Iniwan ko siya.
"Okay, dito niyo na i-set up ang gamit," nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang crew. Ngayon namin napagpasyahang i-shoot ang pre-nuptial video. Isasabay na rin ito sa pre-nuptial photoshoot.
Nakita ko siya sa salas kasama ang iilang reporters. Huminga ako ng malalim. Magpapanggap na naman kami.
"Kaz, pumili ka kung saan dito ang magandang konsepto," naharang ako ng creative staff nung lalapitan ko na sana si Viv.
Tinignan ko ang mga proposals habang pinapakinggan ang usapan nina Viv at ng mga reporters.
"Siya nga," narinig kong magiliw na sagot ni Vivienne kaya napalingon ako kung sino ang tinutukoy niya. Nakita ko si Patricia na naglakad patungong kusina. Kinabahan ako. Ano kaya ang tinanong ng mga reporters bakit ganun ang sagot ni Vivienne?
"Hala? Okay lang sayo?" narinig ko ang gulat na tanong ng reporter.
"Hahaha! Hindi mo kasi naiintindihan yan silang magkakabarkada. Ako nga naiilang nung una pero nasanay na rin ako," hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Viv. Ano ba ang sinasabi niyang naiilang siya sa una pero nasanay na siya?
"Ganyan talaga silang magkakabarkada eh. Sa sobrang close, naghahalikan pero hanggang halik lang naman," magiliw niyang sagot. Nahiya ako sa narinig ko. She is trying to save my face. She tried to justify the wrong that I did.
"Oh, dumating na pala ang kabarkada ni Kaz. Sandali lang ha, sasalubungin ko lang," napalingon ako para tignan kung sino ang dumating.
Nakita kong dumating si Mago na siya namang sinalubong ni Vivienne ng halik. Ng halik? Napahigpit ang hawak ka sa dala ko. Ang gagong si Mago, imbis na tumutol pinulupot pa ang mga kamay sa baywang ni Vivienne at tumugon sa halik nito. Hindi ko alam kung ano dapat reaksyon ko pero di ba sabi niya ito ang nakasanayan ng barkada, kaya wala akong magagawa dahil pinanindigan lang niya ang excuse niya.
Nakita ko ring bumilog ang mata ng mga reporters at parang nahihiyang panoorin ang nagaganap na eksena habang nakakunot ang noo ng buntis na si Janine na nilapitan ang dalawa at hinila si Vivienne patungong harden ng bahay. Gusto ko sanang sundan sila. Alam kong aawayin ni Janine si Vivi dahil sa ginawa nito.
Maglalakad na sana ako pero hinarang nanaman ako ng organizer kaya wala akong magawa kundi sundan na lang sila ng mga mata ko.
*Vivi's POV*
BINABASA MO ANG
My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)
ChickLitKailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang hopeless romantic ng Adonis band... at siya si Vivienne Charmaine Sy, MY ON-CAM WIFE Matagal nang maha...