Chapter 2

164 14 5
                                    

.......

Laurd's POV

~~KNOCCCKKKK...KNOOOOCCKKK~~

Nagising ako sa marahang pagkatok mula sa pinto..

"Laurd, iho gising na wala kabang pasok ngayon!?" Mahinang sigaw ni manang sa labas ng kwarto. Tumingin naman ako sa orasan, alas 7 ng umaga. Maaga pa naman ahh..

"Iho, bumangon kana diyan, nakahanda na ang almusal sa baba, nga pala sasabay ka raw ngayon kay mang Kiko, wala ang motor mo diba?" sigaw uli ni manang.Shoot wala nga pala ang motor ko.

"Susunod ako manang!" Sigaw ko pabalik habang pinipilit na ibangon ang sarili sa malambot na kama. Gusto ko tuloy umabsent.. Pero na alala ko naman ang napag usapan namin nila dad. Kaya kahit mabigat sa loob, pumasok ako sa banyo. Matapos maka pagsipilyo, maligo at magbihis bumaba na ako.. Nakahanda na ang almusal kaya minaigi kung bilisan ang pagkain.

"Manang where's mom and dad?" Tanong ko kay manang ng mapansin na wala si mommy sa bahay.

"Ay hindi ba nasabi ng mommy at daddy mo? Ngayon magbubukas ang kompanya iho." Pagpapaliwanag ni manang. Naalala ko naman ngayong araw nga pala iyon. Nawala sa isip ko ah.

"Bakit hindi nyo agad ako ginising ng mas maaga manang?" Pagtatampo kong sabi sa kanya.

"Abay ginising kita iho, sadyang tulog mantika ka lang" tumawa pa si manang. Wala naman sa plano na isasama ako ni dad. Gusto ko lang sanang pumunta pero malabo naman kasi may pasok.

Ang kompanyang bubuksan ngayon ang pag aari namin. Actually naka base ang kompanya sa Manila, naisipan naman ni dad na mag-tayo dito, sa kadahilanang may malaki kaming lupain dito sa Tolosa.

Ang bahay dito ay isa sa mga bahay bakasyonan namin at mayroon pa sa ibang lugar na nasasakupan rin ng pamilya. Pero dahil ito ang napiling lugar ni lolo para makapag pahinga kaya nandito kami.

Si dad ilang beses ng nag pabalik-balik dito sa kadahilanang inaasikaso and bagong kompanya. Si mommy naman mga ilang beses narin. Ako lang talaga ang bagong salta. Isa ang pamilya sa may malalaking firm in terms of architectural industry dito sa bansa. Kaya kilalang-kilala ang pamilyang Villareal. Isa din ito sa rason kung bakit strikto si dad pag dating sa pag aaral ko. Hindi niya man pinapangunahan ang desisyon sa kung ano gusto kong gawin sa buhay. Pero alam ko naman na inaasahan niyang tutulong ako sa pagmamaneho sa negosyo ng pamilya. Kagaya ng pagmamaneho ni kuya sa ibang business firm na naka disteno sa ibang lugar.

Nang matapos akong kumain, nag paalam na ako kay manang at diretsong sumakay sasakyan. Mabilis namang bumyahe si mang Kiko at ilang minuto lang at narating din namin ang school. Suot ang shades ko bumaba ako sa sasakyan at hindi talaga maiiwasan ang tinginan at tiliin ng mga kababaihan.. Tsss, diba sila sanay makakita ng guwapo?

"Si Jazz, my god nandito na siya girlss!!!" Tumitiling bulong ng kababaihan ng makita akong bumaba sa kotse.

"Ang gwapo niya talaga kyaaaahhh" kinikilig na animoy ood namang napasigaw ang isang bading sa hindi rin kalayuan..Hindi ba sila mag sasawa sa mukha ko.tsss.. At talagang ganyan ang reaksyon nila araw-araw?.

Hindi ko naman pinansin, habang naglalakad dahan-dahan ko namang tinanggal ang aking salamin at ng matamaan ang isang grupo ng mga kababaihan mas lalo pang tumili ang iilan.

"Oh my GODD, tumingin siya sa akin, tumingin siya sakin, tumingin siya sakin kyaaaahhhhh" hindi mapakaling sigaw nung babae na pinapaypay pa ang dalawang kamay sa kanyang sarili.

"Anong sayo? Sakin siya timingin, sa-akkkinnn!!" pagtutol ng isa pa. Tsk.. Wala akong tiningnan sa inyo woi.. ASA..

At nag patuloy sa bangayan ang grupo nila.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon