Chapter 12

76 7 1
                                    

SAMANTHAS POV

"Bilisan mo diyan ilang minuto na lang magsisimula na ang program." Sigaw ni Daisy sa akin ng hindi pa ako nakakalabas ng banyo. Sumakit kasi ang tiyan ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ang tanging naiisip ko lang ang pagkaing kinain namin kanina bago kami umuwi ng bahay.

"Teka lang naman Des, bakit ba ako lang ang nagkaroon ng sakit ng tiyan. Tapos ikaw hindi? Parehas naman tayo ng kinain kanina ahh." histerya kong sabi sa kanya. Pang ilang ulit na akong nag pabalik-balik dito at hindi parin nababawasan ang sakit ng tiyan ko. Inaantay ko pa ang kapatid kong makauwi na inutusan kong bumili ng gamot.

"Asan na kasi si Kevin? Kanina ko pa yun inutusan ahh. "reklamo ko naman sa pinsan. "Ikaw nalang kasi sana ang bumili eh., kanina pa sana tayo nakapunta doon."

"Teka lang antayin mo ako, susunduin ko nalang ang kapatid mo." Sabi naman nito at agad na umalis.

6 P.M magsisimula ang program at ang oras ngayon ay 5:20 PM na. Tumawag din si Jazz kanina, hindi ko naman maintindihan ang mga sinabi nito dahil narin sa sakit ng tiyan.

"Kevin bakit ang tagal mo? At anong ginagawa niyo dito Jazz!? Bakit kasama mo yan!?" dinig kong sigaw ni Daisy sa baba. Jazz? Anong ginagawa niya dito? At sino ang kasama nito? Si Troy?

Hindi ko naman mawari kung ano ang sadya nila, hindi ko rin rinig kung ano man ag napag uusapan nila sa baba.

Nakarinig naman ako ng yabag sa may hagdanan namin at nagbukas ang pintuan ng kwarto.

"Sam nandito sila Jazz, at may kasamang asungot." Si Daisy, kaya pinagbuksan ko ito ng banyo at inabot niya sa akin ang gamot. Agad ko naman itong ininom, sana nga effective.

"Bakit sila nandito? Sinabi mo ba sa kanya na masakit ang tiyan mo?" pagtatanong nito.

"Tumawag siya kanina pero hindi ko naman inaasahang pupunta siya dito." Sagot ko naman habang pinapakiramdaman ang sakit nang tiyan, medyo naibsan nga ito. Salamat naman.

"Ano okay kana? Hindi naba masakit?" balisang tanong nito. Hindi pa kasi ako nakakapagbihis. Pero mabuti naman at natapos na niyang ihanda ang sarili.

"Medyo okay na."

"Halika na dito ng maayusan na kita. Hay naku, hindi pupuwedeng pumunta ka doon ng walang ayos Sam, maganda ka naman kahit walang make-up pero naman iba to ngayon, acquaintance party yan eh, dapat maganda karin kagaya ko." At hindi talaga mawawala ang pagpuri nito sa sarili.

Lumabas naman ako ng banyo, hindi ko naman mawari kung nasa baba pa sila, pero sana umalis na sila. Nakakahiya naman kung nagkataong hihintayin pa kami sapagkat ilang minuto nalang magsisimula na ang party at heto ako hindi pa nakakapagbihis. Shemmay, babalikan ko talaga ang tindahang yun.

Hindi ko pa nakikita ang program, hindi ko alam kung pang-ilan kami na mag peperform. As I sit, Daisy immediately work and start putting make-up on my face.

Sobrang bilis niyang gumalaw pero maingat at marahan, halatang expert na siya pagdating sa ganitong bagay. Pinabayaan ko lang siya, dahil alam kong alam na niya ang gagawin niya.

Ilang minuto ang lumipas ay pumasok si mama sa kwarto ko.

"Anak, okay kana ba? Hindi naba masakit ang tiyan mo?" nag-aalang tanong nito.

"Medyo okay napo ma, medyo nawawala na naman po ang sakit." Saad ko naman, still facing the mirror.

"Ma, nandyan parin ba sila sa baba?" hindi ko talaga maiwasang hindi magtanong.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon