Chapter 7

102 9 11
                                    

LAURD'S POV

"Anong Okay?" biglang naisatinig ko na dapat sa isip ko lang iyon.

Lahat ng mata ay nakatingin sa akin nagtatanong kung anong ibig kung sabihin. Sheyt anong sasabihin ko?

"May problema ba doon Jazz?" inosenteng tanong ni Daisy sa akin.

"Ha? Did I say something?" maangan kong sabi at nag iwas ng tingin sa kanila.

"Wala nga ba?" mahihimigan naman ang panunuksong sabi ni Daisy.

"Tsss, nabingi ka lang eh." sabi ko nalang at tumalikod sa kanila, pero bago pa man umalis nagsalita si Samantha.

"Ayy sorry Gino may partner na nga pala ako." hindi ko alam kong para kanino ang sinabi niya sapagkat nakatalikod lang ako. Kaya napahinto ako sa paglalakad, sino naman ang partner niya?

"Eh, kakasabi mo lang nawala diba?., At kung meron man sino naman? Wag mong sabihing si Jazz?" si Gino, na sinadyang hinaan ang boses ng banggitin ang pangalan ko.

"Hmm, parang ganun nga, oo, si Jazz yung partner ko." hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Gusto kong mahiya na ewan, pero gusto ko ring ngumiti. Pero ayoko namang bigyan iyon ng ibang kahulugan. Kaya para matakpan ang sarili ay pinagkunutang noo ko siyang nilingon.

" Ha? Hindi ko matandaang niyaya kitang maging partner." sabi ko dito, pero ngumiti lang ito, iyong sinserong ngiti. Pinag titripan ata ako nito eh.

" Oo, partner tayo, may performance tayo this acquaintance right, syempre magsasama tayong mag practice kaya partner na tayo non." bigla namang naging sarkastiko ang boses nito. Bilib din ako dito eh bilis mag iba ng mood.

"Magkaiba naman yun Sam!" biglang singit ni Gino. Umeepal pa.

"Magkaiba ba yun?" inosenteng tanong ni Sam sa kanya.

"Oo syempre, sa performance niyo yan eh, pero iba naman yung makakasayaw mo." nahihiyang sabi nito sa kaharap.

"Huh? Sasayaw.?" napakurap-kurap pang sambit nito. " May sayawan din ba yan? Eh sa dun sa dati kong school wala namang partner-partner eh." sabi nito na gulat parin.

"Oo, ganun yun magkaiba lang siguro sa inyo.." pagpupumilit ni Gino. Alam ko naman din yun, hindi naman ata nawawala ang sayawan sa ganyang okasyon.

"Teka nga Gino, may performance silang dalawa. Okay? Ibig sabihin nun kailangan nilang mag practice para diyan. Hindi makakasingit si Sam para sumali sa sayawan. Kaya iba nalang yayain mo." biglang sabi ni Daisy na ikinangisi ko. Maganda ang timing eh.

"Pero..."

"Wala ng pero, pero okay. Kailangan nilang mag focus para sa presentation nila. Kaya mas maiging iba nalang ang yayain mo." pag uulit ni Sam, kaya napakamot nalang ito sa ulo.

"Wag kang mag alala Gino, magkikita at magkikita naman tayo doon eh. At sorry din, kasi iilang araw nalang kaya mukhang kailangan talaga ng panahon para maka practice kami ng kakantahin namin ni Jazz." paumanhing sabi ni Sam, dito. Speaking of kakantahin may na isip na kaya siya. Hindi naman nag pumilit si Gino kaya napagpasyahan naming umakyat na sa taas.

"Have you decided what song we shall sing this coming Friday?" I ask her the moment we both settled on our respective chairs.

"Wala pa, sa dami ng kantang alam ko wala akong maisip eh." sabi nito at napakamot pa sa kanyang sentido. "Ikaw? Do you have any suggestions?" baling niyang tanong sa akin.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon