Chapter 9

94 14 14
                                    

Samantha's POV

"Umalis ka nga dito, eww probinsiyana. Hindi ka bagay dito no." paulit-ulit na sigaw ng iilang studyante sa labas ng CR.

"Mahirap na taga probinsiya, mahirap! mahirap! mahirap!" patuloy nilang sabi habang tamihik akong uiimiyak sa loob ng banyo.

"Diyan ka nababagay sa banyong yan!. Eww" hindi ko naman magawang magsalita dahil sa mga pangungutya nila. Basta lang akong umiiyak, halos lahat ata sila ay walang gusto na naparito ako sa paaralan nila.

" I lock nyo yan!, I lock niyo!" sigaw ng isa sa labas, at agad namang ginawa ng iilan.' Agad naman akong napatayo, pero huli na dahil nagawa na nilang isarado ang pintuan mula sa labas.

"Buksan niyo to, maawa kayo,." pagmamakaawa kong sigaw sa kanila, pero tinawanan lang nila ako. Imbes na pag buksan ay iniwan nila ako sa loob. Patuloy ang pagsigaw ko pero parang walang nakakarinig. Wala ring nag atubiling bigyan ako ng pansin. Ang sama nila-sobrang sama nila.Walang pakundangan ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Nung akala kong wala na talagang pag-asang may bubukas ng pinto, napatingala nalang ako ng makita ng isang lalaki na kasing edad ko lang rin na pinagbuksan ako.

"Tumayo kana diyan at umalis kana" sabi nito at agad na umalis, hindi naman agad ako nakakilos kaya huli na ng lumabas ako sa banyo at malayo na ang nalakad nito.

"Sam? Sam Anak?" napabalikwas ako ng upo ng marinig ang boses ni mama sa labas ng pinto. Panaginip? Isang masamang panaginip. Naramdaman ko naman ang mainit na luha sa aking pisnge. Hindi ko lubos maisip na mapapanaginipan ko ulit ang pangyayaring iyon. At yung lalaking tumulong sa akin para makalabas, hindi ko naman matandaan ang mukha nito sapagkat parang tinatabunan ito ng puting ilaw dahilan rin siguro sa mga luha ko kaya hindi ko ito malinaw na nakita. Sino kaya yun? Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.

"Ma?" bagong gising kong sambit dito, pilit winawala sa isipan ang masamang panaginip.

"Hindi kapa ba bumabangon? Anong oras na wala ka bang pasok?" napatingin naman ako sa aking orasan. Ilang minuto na nga lang at malalate na ako.

"May pasok ma, maghahanda napo ako." sagot ko naman sa kanya.

"Sige anak, bumaba ka nalang kapag tapos kana at ng makakain ka ng almusal." huling sabi nito at naramdaman ko namang bumaba ito.

"Sige po ma, Salamat." minabuti ko namang ibangon ang sarili at dumiretso agad sa banyo para makapagligo, habang nasa loob ay nalala ko naman ang nangyari kahapon. Sigurado akong may tao dun, pero bakit? Anong ginawa ko sa kanila para gawin sa akin iyon? Pero papaano kung wala naman talagang tao dun at baka minulto lang ako? Napalingo-lingo naman ako sa sariling iniisip, tss, hindi ako naniniwala sa multo.

Hindi ko naman mabigyang linaw ang mga tanong sa aking isipan, sapagkat wala naman akong pruweba na makakapagpatunay. Naalala ko naman ang mukha ni Jazz nung nakita ako sa loob, Sheemaay nakakahiya, nakita niya pa talaga akong umiiyak.

"Tama na nga yan Samantha, magmadali kana ng hindi ka malate." mahinang bulong ko sa aking sarili at nagpatuloy sa paliligo. Mabilis naman akong natapos kaya ng makababa ay agad din akong kumain. Hindi ko naman nakita ang kapatid sapagkat nauna na raw itong pumasok.

"Bakit kaba tinanghali ng gising Anak? Anong oras kaba natulog kagabi?" pagtatanong ni mama, habang ako ay nasa hapag at kumakain.

"Maaga naman ma, napasarap lang talaga ang pagtulog ko." sagot ko naman dito. Pero ang totoo binagabag talaga ako ng pangyayari kahapon, kaya napatagal ang tulog ko. Mabuti nga at nakatulog pa ako.

"O siya, magmadali kana, na una ng pumasok ang kapatid mo" ani nito at pumasok sa kusina. Pagkatapos kumain ay nag paalam agad ako sa kanya. Hinihintay na rin ako ni Tito Ben sa labas, kaya mabilis lang akong nakarating sa school. Sandamak-mak na text naman ang aking natanggap mula kay Daisy, tinatanong kung nasaan na ako. May iilang messages din galing Jazz.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon