Chapter 10

112 12 10
                                    

SAMANTHA'S POV

"Ma, nga pala pupunta ako mamaya sa bahay ng kaklase ko." pag bubukas ko ng usapan habang kinakain namin ang aming agahan.

"Sinong kaklase anak? At anong gagawin mo dun?"

"Kina Jazz Laurd po, wala po kasi kaming maisip na lugar na pwude naming gamitin para maka pagpractice ng presentation namin ma. Nagkataon namang mayroon daw silang music room sa bahay nila kaya doon nalang kami."

"Aba'y ganun ba anak, ikaw lang ba ang pupunta?" may pagkabahalang sambit nito.

"Isasama ko po si Daisy ma. Nakakahiya naman kung ako lang mag isa." sagot ko naman.

"Sure kaba talaga na para sa practice yan ate?" sabat naman ng kapatid ko.

"Ano ba sa tingin mo?" at inirapan ko siya.

"Baka bibisitahin mo lang manliligaw mo eh."

"Shunga kaba? Mabuti ka pa alam mo na manliligaw ko yun eh ako nga hindi." pilosopong sagot ko dito.

"Malay ko ba, baka hindi mo lang sinasabi kina mama."

"Manahimik ka nga, gawa-gawa ka naman ng sariling istorya mo."

"Pikon agad? baka totoo yan."

"Oh at pag hindi ka tumigil diyan mauupakan na kita."

"Tumigil nga kayong dalawa, nasa hapag kayo oh. Ikaw Kevin wag ka ngang gawa-gawa ng storya lalo na patungkol sa kapatid mo hindi maganda yan." ma awtoridad na sambit ni mama. Buti nga sayo.

"At ikaw Sam, kung meron mang manliligaw sayo, siguraduhin mong sasabihin mo sa amin ng Papa mo. Hindi ka naman namin pagbabawalan pero mas maiging ipaalam mo sa amin ang bagay na iyan."

"Ma wala namang nanliligaw sa akin, at yung si Jazz mas lalong hindi, kaibigan ko lang siya." sabi ko dito.

"Naiintidihan ko naman Anak, ang sa akin lang wag mo ilihim ang bagay na iyan kung mayroon man."

"Oo po ma, kung meron man promise sasabihin ko agad sa inyo."

Hindi na naman ito nag dugtong pa nang sasabihin pero itong kapatid ko mapang asar parin akong tinitingnan. Mapag alaman ko lang na may nagugustuhan to walang humpay na pang aasar ang gagawin ko dito.

Matapos kumain ay nagtungo nalang ako sa kwarto, Binuksan ko ang kwaderno ko at nag aral sa mga natalakay ng mga aralin. Pero gaya nga ng nararamdaman nating lahat pag wala kang ginagawa sobrang bagal ng oras,.

Na isipan ko naman na I chat si Jazz na pupunta nalang kami ng maaga para mas mahaba ang oras na magugugol namin tutal wala na naman kaming gagawin.

To: Jazz Laurd

Good morning.

Maari ba kaming pumunta ng mas maaga diyan? Para naman mas mahaba-haba ang practice natin tapos narin kasi ako sa mga gagawin ko. Kung okay lang sayo.

(SEEN)

Bilis nag seen ahh. Inantay ko naman itong mag reply pero ilang minuto ang lumipas ay wala akong natanggap. Nagtaka naman ako kung bakit hindi man lang ito nag atubiling mag reply, baka may ginagawang importante. Pero nabasa na naman niya ang text ko eh kaya okay lang siguro na pumunta na kami.

Agad ko namang tinext si Daisy buti nalang at pumayag agad, sobrang excited pa niya dahil pinabibilisan ang pagbibihis ko.

10:02 AM. ng makaalis ako sa bahay, pinuntahan ko naman si Daisy at sabay sabay na kaming nagtungo kena Jazz. Nagpahatid rin kami kay Tito, hindi naman naging mahirap tuntunin ang sa kanila dahil mukhang alam na niya ito. Na-alala ko namang na ikuwento niyang naihatid na niya ng isang beses si Jazz.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon