Chapter 5

117 12 9
                                    

DAISY'S POV

Kasalukuyan kaming kumakain ni Sam at ramdam ko ang inis niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa dalawa, hindi naman siya nag kukuwento.

Hindi ko rin inaasahan ang nakita kong pag-uusap nila kaninang umaga at mukhang masaya pa si Jazz. Pero matapos ang nangyaring sagutan nila, ewan ko ba ang wierd. Hindi naman daw sila mag- kakilala.

"Sam, hoi bakit mo naman binugaw yung tao.?" paninimula kong usapan sa kanya.

"Anong binugaw ba pinagsasabi mo?" maangang sabi niya. "Hindi ko siya pinaalis no, siya ang nagkusang umalis. Hindi ko lang nagustuhan ang ginawa niya kanina. Ano ba sa tingin niya kaibigan natin siya para umasta ng ganun?" inis na sabi nito.

"Sam, wala namang ginagawa yung tao, at diba nga sabi niya gusto niya lang kainin yung food niya. Hindi niya naman pinatulan yung kanina. Kaya anong problema dun.?" kalmado kung sabi dito. Hindi naman ito sumagot at bahagyang natigilan sa pagkain.

"Alam mo ba Sam? Kahit ako ay naninibago sa ginagawa ni Jazz, kagaya nung nakita ko kayong nag-uusap sa labas ng SHS building hindi ugaling Jazz yun eh. Gaya nga ng sabi ko halos isang buwan ko ng kaklase yun pero ni minsan wala akong nakitang may kinausap yun at tatawa pa. Sayo palang." pagpapaliwanag ko dito habang malimit na iniisip ang katauhan ni Jazz.

"Yun na nga eh ang wierd niya, hindi naman siya ganun nung unang beses kaming nag kausap ang cold niya, mayabang, seryoso at nakakainis pero bigla-bigla nalang  nagbago matapos yung nagyaring pag-uusap namin sa Party." sabi naman nito habang nakakunot ang noo. Na curious naman ako sa huling sinabi nito.

"Ano nagkausap kayo sa Party? So nandun din siya?" gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, ang totoo party nila ang dinaluhan namin.Nakakainis nga na hindi ko natandaang Villareal pala ang apelyido nun."

"What? Bakit hindi mo sinabi sa akin Sam?"

"Hindi ko naman alam na pag -aari pala nila ang kompanyang pinag-tatrabahuan ni papa. Hindi rin naman na ikuwento ni papa ang patungkol sa bagay na iyan" sabi niya habang nililikot ang pagkain.

" Okay, okay. So nag usap kayo? Ano bang pinag usapan nyo? Pinahiya kaba? Pinagalitan kaba? Ano?" atat kong tanong.

"Hindi, walang nagyaring ganun, normal lang naman yung pag-uusap namin. "

"Eh ano nga pinag usapan niyo? Mag kuwento ka bilis." pamimilit ko dito.

"Tanda mo nung may nakabunggo sa akin nung unang araw na dumating kami dito? Sa tapat ng bahay nyo?"

"Oo, wait wag mong sabihing si Jazz yun?"

"Oo si Jazz yung bumunggo sa akin. Actually, nag kausap na kami patungkol doon noong nahuli akong dumating sa library--"

"Oo tanda ko yung sa library, so nagkausap din pala kayo bakit hindi mo sinabi sa akin." pagputol ko sa sinasabi niya.

"Teka lang patapusin mo muna ako." Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Patapusin mo muna kasi Daisy.

"So ayun nga nakausap ko siya sa Music room ng hindi ko inaasahang makita siya dun. Pero hindi kasi naging maganda ang palitan namin ng salita eh. Kaya nung nag usap kami noong gabi sa party, humingi lang kami ng sorry sa isat-isa."

"Eh yun naman pala eh, hindi naman pala kayo nag kasakitan o ano pero bakit ganun mo naman trinato yung tao Sam? Malay mo, gusto ka lang pala niyang maging kaibigan."

"Kaibigan? Hello ang yaman niya Daisy tapos makikipag kaibigan sa akin? Sa atin? Hindi ako naniniwala." habang umiiling na sabi nito.

"Ahhh, so yan ang dahilan mo dahil mayaman siya? Bakit sukatan naba ngayon ang pera sa pagpili ng kaibigan?" Hindi naman ito sumagot at nag iwas ng tingin.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon