Chapter 31

81 8 21
                                    

GINO'S POV

Lakas loob talaga ako na nag presenta para mag perform. Minsan na naman akong kumanta, at dahil kilala naman ako sa lugar namin hindi mahirap kumuha ng supporta mula sa mga studyante.

Habang kumakanta ako, nanatili lamang ang tingin ko kay Samantha, kahit sa malayo alam ko na palipat-lipat ang tingin nito sa stage at kay Jazz.

Nakaramdam naman ako ng lungkot. Hindi ba talaga ako pwudeng kumatok at pumasok diyan sa puso mo Sam?  Sumagi sa isipan ko ang katangungang ito.

Ipinagpatuloy ko ang kanta at ibinuhos ko doon ang damdamin ko para sa kanya.

"Ang kilala ba naming Samantha ang tinutukoy mo, Marquez?" tanong ni Jake na kasama ko pagkatapos ng performance namin.

Tinawanan ko lang ito.

"Good luck diyan Pare, sure ako naka puntos ka ngayon sa kanya." saad nito.

"Sana nga."

Ilang minuntong pag-uusap pa tsaka ako nag paalam at  bumaba.

Tingungo ko agad ang puwesto kung nasaan sila Sam. Pero hindi ko siya makita.

"Naks, Pare..Ang tapang mo na ahh." Pang-aasar ni Justin ng makalapit ako sa kanila. Nginisihan ko naman ito.

"Ang ganda ng kanta at ng boses mo Gino." sabi ni Kisha.

Nginitian ko rin ito. "Salamat. Si Sam?" tanong ko.

"Umalis sila ni Daisy, pupunta daw si kasi si Daisy sa SSG room. Sinamahan siya ni Sam." medyo na lungkot naman ako dahil akala ko ay mag hihintay man lang ito kahit makababa ako.

Tinanguan ko sila then I excuse myself para puntahan sila sa nasabing room.

I ran as fast as I could only to see her standing while watching Jazz and Laine talking.

I observe them from afar, ayoko munang lapitan si Sam dahil may parte sa akin na nag sasabi na hayaan muna ito.

Nagulat ako ng biglang yakapin at halikan ni Laine si Jazz at hinayaan lang niyang gawin ito ng babae.

Nakaramdam ako ng galit dito, at awa para kay Samantha. Tumalikod si Sam at nakita niya ako. Ngingitian ko sana siya at lalapitan ng  tumakbo ito papalayo sa akin.

Bumaling ako ulit kina Jazz at umalis na si Laine. I ignore him at sinundan si Samantha.

"Sam!" I called her name.

"Sam, teka lang." Pero patuloy parin ito sa pag takbo.

Huminto ito sa likod ng music room, wala ng tao dito. Nakita ko ang pagpahid nito ng mga luha kaya mas lalo lang lumaki ang inis ko kay Jazz.

Nilapitan ko siya. "Sam, are you okay?" mahinang sabi ko dito.

"Gino. Bakit mo pa ako sinundan dito?" pilit ang pag ngiting sabi nito, pero hindi naman nakawala sa akin ang pamamasa ng mga mata niya.

"Sam..Nakita ko ang nangyari kanina." napatungo ito. Kaya naman mas lumapit ako sa kanya.

"Sam. Hindi mo naman kailangang masaktan ng ganito." malumanay kong sabi sa kanya. She started to cry, hinagod ko naman ang likod niya.

"Tahan na." Hindi naman ito nagsalita at nagpatuloy lang sa pag iyak. "Wag mong sayangin ang luha mo sa taong hindi naman karapat-dapat na iyakan, Sam." Nasasaktan at na-aawa ako para sa kanya. 

Naalala ko naman iyon nangyari noong nakaraan na nakita ko siyang basang-basa sa ulan at umiiyak. Wala siyang sinabi sa akin sa ano man ang nangyari pero may hinala na ako at dahil kay Jazz Luard iyon. 

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon