Chapter 1

403 19 1
                                    

"Sh***t" nabulalas ko nalang matapos habulin ako ng tambay sa kanto. Papauwi ako galing sa eskwela, maaga pa naman pero dahil na flat yung gulong ng motor ko kailangan kong maglakad papauwi.

Wala din akong balak na mag commute dahil sa gusto kong maglakad-lakad na muna. Kaya ito tuloy pinag sisihan ko kung bakit di nalang ako sumakay ng tricycle.

Iniwan ko ang motor sa tindahan ni Aleng Nene, malapit sa school na madalas tinatambayan ko pag walang pasok. O kung minsan tinatamad akong pumasok. Sirado din kasi ang shop ni mang Emong sa kadahilanang hindi ko alam.

Di naman talaga malayo yung paaralan pero nag mo-motor ako dahil may magagamit naman. At pabor naman sa akin kasi nakaka-umay maglakad lalo na at ako lang mag isa.

Mabilis ang pagtakbo ko papaliko sa pinaka unang kanto, umaasang hindi ako maabutan ng mga hamuhabol sa aking lasinggo.

Lima sila na parang mga asong ulol. Wala naman akong ginawa sa mga to sapagkat tahimik lang naman akong nag lalakad nung napadaan ako sa gawi nila, bigla akong tinawag ng mataba na halata namang lasing na dahil sa iilang bote na nakalapag sa lamesa nila. Di ko lang sila pinansin at ito na hinahabol na nila ako.

Diko inalintana ang mababatong daan hindi ko narin inisip na papalayo ito sa daan kung saan dapat tatahakin ang pauwi sa bahay. Medyo dumidilim na at mas lalo pang dumilim dahil sa matatayog na puno sa gilid ng daan.

Gusto ko man silang harapin pero sa isip ko palang na madadaplisan ang gwapo kong mukha ay uurong na ako. Magiging problema pa pag nakita nila mommy at daddy.

"HOOOY UNGGOOYY!! TUMIGIL KAA, WAG MO KAMING TAKBUHAN!!." Lasing na sigaw ng isa. Na hindi ko na nilingun dahil minaige kong tingnan ang daan at baka madapa ako.

Ako pa talaga ang tinawag na unggoy ng mga ulol, eh walang wala sila ni katiting sa mukha ko. Pasensya na kung medyo mayabang pero may maipagyayabang naman talaga ako.

Maingat kong tinatanaw ang tinatahak ko. Mayroon namang mga bahay na madadaan pero dahil may mga bakod ito hindi ako basta-basta makakahingi ng tulong, pero sa kamalas malasan, nasaan ba ang mga tao dito? Na tanong ko nalang sa isip dahil wala talagang nag lalakad sa daan.

Sa malayo tanaw ko nanaman ang papalapit na kanto, hindi ko kabisado ang daan dahil hindi pa ako na gawi rito.

I recently moved dito sa Tolosa. May sakit ang lolo at kinakailangan magpahinga at dito ang napili dahil probinsiya na kung saan malayo sa pulosyon.

Pwede namang sa Manila lang ako pero nandito sila mommy at daddy dahil sa business narin. Hindi naman sila papayag na mag isa ako sa Manila. Unless, I finish my Senior High School.

Papaliko nako sa kanto ng..

"Araay naman!" nasambit ng isang babae matapos ko itong mabangga sa hindi inaasahan.

Nahinto ako sa pagtakbo at tiningnan ang babae. Tutulungan ko na sana siyang makatayo pero ramdam kong papalapit na ang humabol sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin.' Di ko naman kita yung mukha ng babae dahil nakayuko ito at gulat na gulat din dahil sa nangyari.

"Anak? Anongg. .Hoy!?" biglang may sumigaw galing bahay na pinanggalingan ng babae. Di ko nalang inisip na bumalik at tumulong dahil mayayari ako.

"Ayos ka lang ba anak" dinig kong sambit ng may edad na babae matapos kung lisanin ang daan, naramdaman ko namang tumigil sa pag sunod ang mga lassingo matapos itong hinarang ng ginang.

Sorry miss hindi ko intensiyong banggain ka. Sa isip kong sambit nung mapalayo ako sa sakanila. Naghahabol naman akong huminga matapos huminto at paupong narating ang nakahilerang mga trciycle.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon