Chapter 15

87 6 8
                                    

Daisy's POV

*Ringgggsss** (cellphone ringing).

Kasalukuyan akong nagsisipilyo when I heard my phone rings.

Dali-dali ko namang kinuha, alam nyo na baka importanteng tao ang tumatawag. Medyo gulat naman ako ng makita ang pangalan ng pinsan ko sa screen. Well she don't usually call me kaya naman nakakapagtaka at napatawag ito.

"Hello insan? Bakit?"

"Hello. insan, ummm ...pano ko ba to sasabihin." balisa ang boses nito.

"What? May nangyari ba? May magnanakaw ba? May nangyari ba kay Tito?" O diba super tanong ako.

"Hindi-hindi-hindi, ehh kasii.." parang timang din tong pinsan ko no. Tumatawag ng hindi alam kung bakit napatawag.

"Eh ano ba? May nangyari bang masama sayo? Hindi kapa ba nakaka-uwi?"

"Sira hinatid mo pa nga ako sa bahay eh."

"Sabi ko nga, pero bakit ba? Ano bang problema mo?"

"Ehh kasii naman.."

"Lintik yan insan, pano ko malalaman kung di mo tinutuloy."

"Si Jazz kasii." bigla namang nabuhayan ang dugong pag ka chismosa ko.

"Waahhhh... bakit? Pinuntahan kaba diyan? Nilagawan kaba? O hinarahan kaba? Waahhhhh!!" hindi ko mapigilang hindi mapatili para sa kaibigan.

"Sira!  Hindi, walang ganyang nangayari!"

"Ayy, kala ko naman ano na, bakit ba anong meron kay Jazz?"

"Tumawag siya sa akin Daisy..."

"O tapos? May mali ba kung tumawag yung tao? Madami ngang hindi ko kilala na gustong maki-pag usap sa kin eh."

"Hindi lang naman kasi bastang tawag eh."

"Ano? Nag video call kayo?"

"Hinddii ... "

"Eh ano ba, konti nalang pupuntahan kita dyan at kukutusan."

"Heto na.." bumuntong hininga muna ito bago nag patuloy. "Tumawag siya at sinabing na mi-miss niya daw ako. Pwede ba yun?"

"Kyyyaaaahhhhhh, insann, totoo ba yan? Walang halong biro? Jusko insann, pumapag-ibig kana."

"Bakit naman ako mag bibiro, yun talaga ang sinabi niya."

"At ano ang sinagot mo? Dali-dali..."

"Wala, hindi ko sinagot, nag dahilan ako na nawala ang linya at binaba ko na."

"Ayy, tangeks ka pala insan..Bakit naman ganun ginawa mo? Dapat sinabi mo ring 'I miss you too'" pag iiba ko ng tono rito.

"Ano kaba, hindi ako kagaya mo no. Atsaka malay ko ba, baka pinagti-tripan na naman ako nun?" ramdam ko ang inis sa boses nito. Kaya tumawa ako.

"Wag mo ng isipin yan, let's find that out tomorrow."

"Huh? Anong tomorrow?"

"Basta, ihanda mo nalang sarili mo. Ay naku insan, kikiligin na naman ako sa relasyon ng iba."

"Manahimik ka nga, walang namamagitan sa amin no.tss."

"Ay bahala ka, basta para sa akin meron."

"Edi ikaw nalang mag ako." siguro nakasimangot nato ngayon. "Sige na ibaba ko na, matutulog na ako."

"Good luck sa pagtulog! Baka abutan ka ng madaling araw ahh." pang-aasar ko dito.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon