Chapter 35

74 7 17
                                    

SAMANTHA'S POV

"Do you mind if I sit here." pamama-alam ni Cyrus para umupo sa tabi ko.

"Oo naman." sagot ko naman dito. Nandito na kami ngayon sa loob ng isang KTV bar malapit nga sa sea wall. Ang ingay nga namin dahil panay ang pagkanta ni Daisy, sinasaway na nga ito ni Troy eh, pero ayaw naman papigil.

"Pangit ba ang boses ko?" biglang tanong nito sa kaharap. Napakamot naman si Troy sa batok niya, hindi alam kung ano ang isasagot sa pinsan.

"Hindi naman, but can you please lower your voice a bit." nahihiyang sambit nito. Nag kunot noo naman ang pinsan ko sa sinabi niya.

"Sess. Ang sabihin mo napapangitan ka sa boses ko." pagtatampo nito at ipanasa sa lalaki ang mic. Mabilis namang siyang umupo sa upuan na nandito lang rin sa loob at sinundan naman ni Troy.

Inilibot ko ang paningin sa loob. Malawak ang looban nito. Kung pagbabasehan ang magkakasya sa mga upuan pwede hanggang 12 ka tao dito.

Sa aming harapan nakaharap ang 40 inches na flat-screen. Tapos napapagit-naan ang mesa sa mahahabang U-shape na sofa. Oo sofa siya guys, medyo sosyalin ang dating. Ang umiikot na ibat-ibang kulay ng liwanag na nasa taas ang nagbibigay party vibe sa loob. Pero may separate light naman na nag nagbibigay liwanag sa kabuoan ng room.

"Guys ako na bahala sa inumin natin." malakas na sigaw ni Gino.

"Ayan ang gusto ko sayo eh." suporta naman ni Frank sa kanya.

"Akala ko ba hindi iinom ng alak?" reklamo ni Pauline dito. Hindi naman talaga napag-usapan na walang alak pero dapat nga hindi na.

"Chill ka lang, Pau. Konti lang naman, tsaka hindi talaga nawawala ang alak pag may i-cecelebrate." pakutyada naman ni Justin.

"Ang kulit niyo. Ang lala niyo pa naman pag nalasing." sagot naman nito.

"Aalalayan mo naman akong umuwi mamaya diba?" tanong ni Justin dito.

"Bahala ka sa buhay mo pag nalasing ka iiwan talaga kita sa daan." saad nito pabalik. Natawa nalang ako habang pinapanood sila.

Si Frank at Liza, ayun naka-upo lang sa may gilid. Iba talaga pag couple eh. Parang may sariling mundo. Si Daisy at Troy naman na halatang hindi na naman magkasundo. Panay ang pacute ni Troy dito pero ini-ignora lang ng pinsan ko.

"Do you sing?" Cyrus ask.

"Oo pero hindi ako magaling." sagot ko naman. Napabaling ako sa naka-saradong pintuan nagbabalakasakaling dumating na si Jazz.

Kanina kasi nung nagkayayaan na pupunta na rito, he received a call from his dad. Hindi niya naman sinabi ang rason. But I think that was an important call because he leave right away. Pero nag sabi naman ito na susunod daw siya.

"Hindi natin malalaman kung hindi ka kakanta." aniya. Napatingin naman ako dito.

"Hindi nga ako magaling, sakto lang." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sample ka nga." sagot niya naman.

"Mamaya na. Wag kang mag-alala kakanta ako." pabirong sabi ko dito.

"Sabi mo yan ah. By the way Sam, can I ask you a question?"

"Hmm. Ano un?"

"You don't really mind that I am joining you guys right?"

Napa-isip naman ako sa tanong niya. Sa totoo lang nung una itong naki-pag usap sa amin, medyo hindi ko talaga gusto ang aura niya. Lalo na at sinabi niya na may gusto siya sa akin pero parang okay naman siya.

"Hindi naman. You seem harmless to me kahit pa nag confess ka agad sa akin noong unang kita mo sa amin." I delivered it jokingly.

"Sorry naman, pero naalala mo pa naman siguro iyong panahon na tinulungan kita diba?"

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon