Chapter 33

97 9 33
                                    

LAURD'S POV

"Ano bang nakain mo Villareal at naglaro ka ng basketball?" mahihimigan ang galit sa boses ni Mr. Millanes. After kasi ng game pinatawag niya ako.

Hindi nga talaga dapat kami kasali kanina pero dahil nakalista ang mga pangalan namin parang ang nangyari eh ginawa kaming back-up. Hindi rin daw kasi na klaro ni Troy na hindi kami sasali. Kaya hindi kami tinanggal ni coach.

"Pasensya na po Sir. Nadala lang po sa sitwasyon. Gusto lang naman din po namin na maipanalo ng STEM ang basketball." Sagot ko naman.

"Naiitindihan ko naman iyan at wala akong problema. Sa katunayan ay gugustuhin ko rin yan. Subalit alam mo naman na may event kana sa swimming diba? Ano mag b-back out ka sa swimming?"

"No sir. I will still participate."

"Villareal, bukas ang competition mo sa swimming at possible na magkasabay iyon sa final match ng basketball. Anong gagawin mo sa sitwasyong iyan kung ganun?"

"Napag-isipan ko na naman po iyan, sir. Sa swimming po ako sasali."

"Naku binigyan mo talaga ako ng alalahanin, Villareal. Alam mo ba na puwede rin na hindi kana makasali sa Swimming? Bawal tig dalawa ang sinsalihan sa Intrams buti nalang at nagawan ko agad ng paraan." Salubong ang dalawang kilay na sambit nito.

"Kaya siguraduhin mo sa akin na hindi ka maglalaro ng basketball bukas, nagkakaliwanagan ba tayo?"

"Maliwanag po sir. Pasensya po ulit."

"Okay sige na, ipahinga mo muna yang katawan mo. Wag mong i puwersa na mag practice dahil baka magka-pulikat kapa." Saad nito bago ako tuluyang pinalabas sa faculty.

"Anong sinabi bro?" bungad agad ni Troy na hinintay pala ako. Hinanap ko naman kung kasama niya ba si Sam. Pero wala, si Daisy rin.

"I was told not to play for the basketball tomorrow. Muntikan pa akong hindi makasali sa swimming." medyo may pagka dismayadong kong sabi dito.

Tumango-tango naman ito.

"Sige lang, kaya naman naming ipanalo yan kahit wala ka." Mayabang na sabi nito. Nag smirk naman ako sa kanya.

"Yabang ahh."

"Totoo naman."

"Sila Samantha?" nagsalubong ang mga kilay nito at ngumuso.

"Ayun umalis na. Uuwi na daw sila."

"What? Hindi man lang ako hinintay makalabas." mahinang bulong ko sa sarili.

Bigla naman itong tumawa. "Di ka naman mabiro bro. Pumunta na sila sa pool, mag papractice daw yung mahal mo. Ikaw ba?"

"I was told not to practice lalo pa at kakalaro lang natin."

"So uuwi ka na?"

"Anong uuwi? I'll stay for a bit and watch her practice nalang." And naglakad na ako.

"Edi ako rin." nakangising sabi nito at sumunod naman sa akin.

"Galing niyong maglaro kanina ah." kung kailan pa gusto ko ng puntahan agad ang baby cake ko, tsaka naman sumulpot ang mga asungot nato. Tiningnan ko sila ng seryoso kung magkataon nag hahanap na naman to nanggulo.. Sisiguraduhin ko na talaga na ilang araw na silang mananatili sa hospital.

"Why do you people always came out of nowhere? Mga kabote ba kayo?" tanong ni Troy dito. Nagkatinginan naman sila.

"Well asahan mo na na nasa paligid-ligid lang kami, kano." sabay ngisi kalye nito.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon