Chapter 6

109 11 15
                                    

SAMANTHA'S POV

Kasalukuyan kaming naglalakad, nakasunod lang rin naman si Jazz, hindi rin nagsasalita. Hindi narin naman siya nag tanong kung saan ako tutungo, siguro ay nakuha narin nito na parehas kami ng pupuntahan. Hindi naman siya nalalayo sa aking likuran kaya naman bawat studyanteng nadadaan namin ay napapatingin sa aming gawi.

"Hi Jazz,!" dinig kong sabi ng isang studyante na halatang naglakas loob talaga para sabihin ang linyang yun. Pero wala akong narinig na salita sa kanya, kaya napalingon ako dito. At ang kumag nakatingin lang sa akin. Yung seryosong tingin ha, kaya mabilis kong binawi iyon at diniretso ang mata pabalik sa dinaraanan.

Snob masyado, di man lang nagbaling ng tingin doon sa babae. Tsss

"Will you please slow down, madapa ka pa niyan." hindi ko namalayan na napabilis na pala ang lakad ko at nasa gilid ko na pala siya at sinasabayan ako. Kaya nagulat ako sa biglaan nitong pagsasalita. Hindi naman siya nakatingin sa akin pero seryoso parin ang expression nito.

Binagalan ko naman ang paglalakad ko kaya mas nauna siya ng kaunti, pero ng mapansin niya iyon ay binagalan niya rin ang sa kanya. Bakit ba kasi ang layo ng Music room mula sa SHS building?

"Mag pa-tiuna ka na nga." biglang sabi ko, kaya tiningnan niya ako.

"Akala ko ba sasabay ka sa akin, bakit mo ko pinapauna." pilisopong sabi nito.

"Pag sinabi bang sumabay dapat magkasabay talaga? Di ba puwedeng nakasunod lang ang isa.?" mataray kong sabi dito at huminto sa paglalakad. Huminto rin ito, bakit hindi nalang siya mag patuloy?

"I didn't think sasabay and susunod is the same. Ikaw ang nag aya, hindi ako." sabi nito sa akin at tumingin sa ibaba. Tss, nakakainis talaga to masyadong nagpapakainosente.

"So sinasabing mong magpasalamat ako sayo dahil sinasabayan mo ako, ganun?"

"I am not saying that, I'm just giving you the favor you're asking earlier." abay ang kapal, kanina lang eh halos bugawin ako nito.

"Bahala ka nga diyan," at nagsimula akong maglakad.

"I told you wag ka ngang magmadaling maglakad, madadapa ka niyan eh." sabi niya ulit at sumabay din sa paglalakad.

"Madapa na kung madapa, ano bang paki mo?" ewan ko ba pero naiinis talaga ako sa kanya.

"Magkasama tayo, what if madapa ka nga and you sprain your feet? Ede magiging kargo pa kita. So mag ingat ka nalang not just for your own sake kundi pati narin sa akin." pagpapaliwanag nito na hindi naman ako kumbinsido. Ano bang inaasahan mo sa mga ganitong tao, sarili lang naman niya ang iniisip niya.

Imbes na sumagot ay sinamaan ko nalang siya ng tingin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at sumunod rin lang naman ito.

Narating namin ang Music room, tahimik na rito, halatang nag si-uwian na ang karamihan sa mga studyante. May natira man pero bilang nalang. Pumasok ako sa room, umaasang nanduon na si Caren para matapos nato at makauwi na agad ako. Pero kung minamalas ka nga naman wala pa siya. Sumunod naman si Jazz at tahimik lang nitong nilibot ang tingin sa loob.

"Tsk, and she's not here yet." mahinang bulong nito.

"Antayin nalang natin, baka nalate lang ng kaunti." mahinang sabi ko pero hindi nakatingin sa kanya. Minabuti kong umupo malapit sa nakasandal na gitara sa gilid. Habang si Jazz naman ay nanatiling nakatayo lang. Nabalot naman kami ng nakakabinging katahimikan. Kaya mas naging awkward tuloy, Caren asan kana ba?

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon