Chapter 28

53 10 31
                                    

SAMANTHA'S POV

Pag tunog palang ng alarm clock ko agad ko na itong pinatay at agad ding bumangon. Sinadya ko talaga iyon dahil aagahan ko ang pagpasok para kunin ang bag ko. Baka mawala pa yun at pag tripan ng mga ka-klase nako. Wag naman sana.

Kahit inaantok pa ako, I took a shower then do all my morning routine. It's still 5 in the morning kaya kahit si mama ay hindi pa nakaka-paghanda ng agahan.

Gumawa nalang ako ng oatmeal tas nag baon rin ng sandwich at nagdala ng malamig na tubig para hindi naman kumalam ang sikmura ko mamaya.

"Bakit ba kailangan mong pumunta ng school ng ganito ka aga, anak?" tanong ni papa habang nag kakape ito sa lamesa.

"Naiwan ko kasi ang bag ko sa classroom pa, baka mawala yun doon eh."

"Ano bang nangyari at nakalimutan mong i-uwi iyon kahapon?" Sumagi naman sa isipan ko ang paghahalikan nila Jazz at Laine sa classroom.

"Wala dad, nasarhan na kasi ako ng pinto kaya hindi ko na nakuha." tumango-tango naman ito.

"Sumabay ka nalang sa akin, anak. i do-drop nalang kita sa school niyo. Pupunta din kasi akong sentro." aniya.

"Sige po." sagot ko naman.

Ng matapos at makuha ang lahat ng kakailangin pati narin ang damit ko para sa pag practice ng swimming ay agad din kaming umalis ni papa.

"Wala pang tao dito sa school niyo, anak." saad nito habang sumisilip sa bintana ng kotse.

"Okay lang pa, may guard na naman kaya okay lang."

"Sige, sige. Tawagan mo nalang kami kung may mangyari o maramdaman kang kakaiba."

"Papa naman, tinatakot niyo ako eh."

"Hindi naman, nag-aalala lang. O siya, humayo kana." saad nito. Nagpa-alam naman ako sa kanya ng umalis ang sasakyan nito.

Agad akong nag tungo sa guard house at kinausap ang security.

"Bukas na ang mga rooms, binuksan ko na kanina." Saad nito.

"Maaga niyo palang binubuksan ang mga classroom Manong guard?"

"Kailangan eh, sa dami ng rooms dito sa school, nararapat lang na agahan ko ang pagbubukas." Ay kala ko ang mga advisers ang may hawak ng mga susi. Hindi pala?

"Sige po manong guard salamat po." At tumuloy na ako sa loob. Bigla naman ako kinabahan -dahil sa tahimik ng paligid. Huminga ako ng malalim para mawala ang kaba ko, hindi to horror story kaya kumalma ka Samantha. mahinang bulong ko sa sarili.

Inakyat ko ang pang-apat na palapag pati ang pag-apak ko sa sahig ay nabibigay ng ingay hindi naman kalakasan pero klarong-klaro ko talaga itong naririnig. Wala ni kahit isang tao ang narito, napasobra ata ang aga ko. Naku naman.

Binilisan ko ang paglalakad para marating agad ang classroom namin. Nakabukas na nga ito pero nabalisa ako ng matantong wala ang bag ko sa upuan ko.

"Asan yun?" Inilibot ko ang paningin sa loob, tiningnan ko pa sa lagayan ng mga walis dahil baka may naglagay nito roon pero wala. Ini-isa ko rin ang bawat ilalim ng upuan pero wala din. Hindi ko kasi namataan iyon kahapon dahil na distract ako sa nakita ko.

"Baka may kumuha nun, o di kaya itinapon nilang dalawa, or worst baka kinuha na ng masasamang elemento dito sa school." busseeet, ayoko nang mag-isip ng malala pa dyan.

Sinubukan ko paring hanapin sa bawat sulok ng room pero wala talaga. Sa tahimik na buong pasilyo nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang ingay na nagagawa ng pinto, yung matulis na tunog. Napa-inom tuloy ako sa tubig ng wala sa oras.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon