Chapter 19

81 11 14
                                    

SAMANTHA'S POV

"Okay ano pa bang kulang?" natanong ko sa sarili matapos makapag-ayos. I admit medyo excited ako ngayong araw.

Napatingin ako sa drawer ko at inabot ang liptint na minsan ko lang talaga magamit. Wala naman sigurong masama kung gagamit ako ngayon diba? Tsaka konti lang naman. Aakmang maglalagay na ako sa aking labi habang nakaharap sa salamin ng pigilin ko ang sarili ko.

"Teka lang, Am Idoing this for him? Tagala, Samantha?" nahiya naman ako sa naisip. "No, no Ayokong isipin niya na nagpapaganda ako sa kanya." Kaya agad ko itong binalik sa drawer.

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa salamin. "You look great Sam, di mo na kailangan ng ganun." I whisper to myself. Lalabas na sana ako ng pumasok bigla ang kapatid ko.

"Ate?" takang tanong nito. Ako man ay nagtaka dahil hindi pa ito nakakapag bihis.

"Kailan kapa nagkaroon ng pasok sa Sabado?"

"Sabado pala ngayon?" na-ibulalas ko dito.

"Sigurado ka bang hindi na alog ang utak mo? Niligawan ka lang ni kuya Jazz, nawala kana sa wisyo." Lintik talaga ang isang to.

Kinuha ko agad ang phone ko at yun nga, Saturday ngayon. Masyado akong na excite nung sinabi niyang see you tomorrow. Jusko wala naman palang pasok ngayon. Bigla naman akong nanlumo ng mareliaze na wala ngang pasok.

"Umayos ka nga ate, baka di na ituloy ni Kuya ang panliligaw sayo." at tumawa ito, Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Umalis ka nga dito, panira ka ng araw." nag make face lang ito , "Bumaba kana diyan mag-aagahan na tayo." Sabay alis nito sa kwarto. Shemmay naman, talaga bang nakalimutan ko kung anong araw ngayon?

Wala akong nagawa kundi ang magbihis ulit ng damit pambahay. Tiningnan ko ulit ang text ni Jazz. Nakalimutan din ba niya na walang pasok ngayon? Hayysss.

=BLLiiING= *1 New message from Jazz."

From Jazz: Good morning baby Cake. I was entirely out of my mind, I never thought that today was Saturday I thought it was still a weekday. But don't worry, I will see you later.

Napangiti naman dahil sa chat niya, ibig sabihin hindi lang ako ang naging bangag ngayon. But wait, see you later? Pupunta siya dito? Nag tipa naman ako pabalik.

To Jazz: Good morning din. Grabe naman yung nahkalimutan kong anong araw ngayon. Pero papaano, wala namang pasok?"

-SENT-

Syempre hindi ko aaminin na nakalimutan ko rin. Dapat hindi tayo pa easy-easy.

=BLLiiING= bilis mag reply.

From Jazz: I've been thinking about you, kaya nakalimutan ko anong araw ngayon. Basta mag-antay ka lang dadating ako diyan.

Hindi pa man ako nakapag type ng irereply nag text ulit siya.

From Jazz: Pero asan ang baby cake? :(

Umagang-umaga bumabanat na, natawa naman ako sa last message niya. Pero ini-imagine ko lang ang mukha nito ngayon mukhang ang sarap ng kurutin.

To Jazz: Sorry na po baby cake, hindi lang sanay. Kain muna ako okay,kumain kana rin diyan."

-SENT-

=BLLiiING=

From Jazz: Sige baby cake, eat well. I will see you later okay?"

Medyo na excite naman ako na pupunta siya rito, iba talaga siguro ang dating kapag may gusto ka sa tao no? I just replied a heart emoji at tumuloy na sa baba. Buti nalang at hindi na sinabi ng kapatid ko ang nangyari sa taas. Dahil sobrang nakakahiya talaga. Papa is still here, usually kasi he is already out to his workplace kahit maaga pa.

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon