Chapter 29

69 10 49
                                    

SAMANTHA'S POV

"Insan, bilisan mo na diyan." Sabi ni Daisy ng matapos ang panghapong klase.

"Bakit kaba kasi nagmamadali?" tanong ko naman sa kanya.

"Kailangan, dahil kukulitin na naman ako ng mokong na yun. Kaya bilis na." napangisi naman ako sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo dun kay Troy ha?" panunukso ko dito. Tiningnan niya naman ako ng masama. "Kala mo talaga hindi ko napapansin ang mga pa flowers niya sayo. Saan kaya niya iyon pinipitas." sabay tawa ko.

"Tse, bahala siya. Hindi ko naman tinatanggap ang mga bulak-lak niya eh." sabay nag pa unang lakad nito.

"Pero bilib din ako kay Troy insan, kasi kahit anong pagtataboy mo sa kanya ay pursigido parin siya sayo."

"Insan, panong hindi eh sa ganda ko ba namang ito." pagyayabang nito at ng flip pa ng buhok sa kaliwat-kanan. Tumawa naman ako.

"Samantha, let's talk?" gulat naman kami ng biglang sumulpot si Laine sa harapan namin. Naka crossarms ito at sa paraan ng pagsabi niya nun. Para bang bawal akong tumanggi.

"At ano naman ang kailangan mo kay Samantha, Laine?" mataray na tanong ni Daisy.

"Hindi ikaw ang kakausapin ko so mind your own business."

"Aba'y ---" ramdam ko ang inis nito kaya pinigilan ko na.

"Okay lang insan. Ano ba yun?" baling ko dito.

"Follow me." parang boss na sabi nito. Sumunod naman ako, ayoko ng pukulan ng inis ang isang to dahil ayoko ng gulo.

"Didiretsuhin na kita, Samantha. Pwede ba, tigilan mo na ang pag-aaligid sa boyfriend ko." Kunot noo ko itong tiningnan.

"Anong bang pinagsasabi mo?  Hindi naman ako uma-aligid diyan sa boyfriend mo."

"Hindi? Kaya you secretly meet him early in the morning kanina?" nagulat ako dahil papaano niya nalaman. Sinabi ba ni Jazz sa kanya? Pero kung sinabi man, hindi naman intensiyon ang pagkikita namin.

"Oh, natahimik ka? Dahil ba totoo?" inis na sabi nito.

"Laine, una sa lahat hindi ko alam kung papaano mo yan nalaman. Pero mali ang pagkaka intindi mo sa nangyari kanina. Everything was coincidence, kahit itanong mo pa diyan kay Jazz." she raise her eyebrows.

"Coincidence? As early as 5 A.M, tapos you're gonna tell me it is a coincidence. Do I look stupid to you?" sa galit na pinapakita niya, hindi ako sigurado kung pakikinggan niya ba kung ano man ang dahilan ko.

"Isipin mo kung ano man ang gusto mong isipin. Pero totoo ang sinasabi ko, at para ipa-alam ko sayo. Wala akong ano mang intensiyon diyan sa boyfriend mo."

Tinalikuran ko siya.

"I'm not done talking to you." Ubos ang pasensiyang pigil sa akin.

"Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan? Eh ayaw mo namang paniwalaan ang rason na binibigay ko." na-iinis narin ako. Dahil sa totoo lang nag sasayang lang ako ng oras sa kanya.

"Ano bang meron sayo na wala sa akin? Your just a cheap and average woman. Hindi ka naman kagandahan, so why is he going crazy on you?" Frustrated na sabi nito. Hindi ko naman maintidihan ang mga pinagsasabi niya.. Nasisiraan na ba siya ng bait?

"Kaya please lang, layuan mo na si Jazz. Get the hell out of his life, Samantha." at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Wala akong maintindihan sa pinagsasabi mo, Laine."

Tanging DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon