Chapter XX
"Kamusta si Lois?" pambungad kong tanong kay William nang magdala ako kanilang agahan nang mga araw na iyon.
They're still on the clinic. May pumuntang doktor kahapon upang tingnan ang kalagayan ni Lois ngunit kagaya ng nurse ay wala rin siyang magagawa dahil wala pang may nakakaalam kung paano gagamutin ang sakit na ito. Maraming doktor na rin ang pinapunta namin para matingnan si Lois pero pare-pareho lamang ang kanilang sagot. It's all beyond their power. Gusto man nilang gumawa ng paraan upang matulungan ang bata ay wala silang sapat na kagamitan.
"Lois is doing good today, Charlotte. Thank you for doing this for us."
Napangiti ako at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. "I wanted to help you both, Bill. You're like my family here in Kershaw."
Hinila niya ako at pinaupo sa kanyang tabi. Lois was preoccupied dahil naroon din si Reneé at nag-uusap ang dalawa.
"You're like a family to us too. You know Lois admires you a lot. We love you so much," he said and interlaced his fingers with mine.
My face heated at what he told me. Parang nawala ang lahat nang nakapaligid sa amin at tanging kami na lamang ang natitirang tao sa mundo nang mga oras na iyon. We would look upon each other's eyes and get lost in our own thoughts. This is my favorite moment with Bill. We could look into each other's eyes and forget about the world. But sadly, there's a life waiting for us outside our little dreamspace. Hindi sa lahat ng oras ay magiging ganito kaming dalawa.
This is the time I burrowed from my true self. Naglayas ako at napunta sa lugar na ito kung saan hinding-hindi ako mababagay. Kahit sabihin man nila or iparamdam na kagaya ko sila ay mayroon pa ring boses sa likuran ng aking isip na nagpapaalala sa akin kung sino ako. Pero kahit ganoon ay sobrang saya ko na dito ako napadpad. I was glad I got to know this girls, the kids, and Bill.
Minsan iniisip ko kung ano kaya ang nangyari kung hindi ako tinulungan ni Elijah makalayo sa aming bahay. Makikilala ko pa kaya sila? Magiging parte pa kaya ako ng buhay nila?
"I have a good news for you, guys," si Rayne iyon pagkatapos niyang ilapag ang isang newspaper sa lamesa.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Naging matagumpay ang naging operasyon ng isang mayaman at tinitingalang tao na si Ginoong Luther Martinez. Matatandaan nitong nagdaang mga taon na nagkaroon ng isang malubhang sakit sa puso ang ginoo. Ngunit salamat sa bagong teknolohiya ng Capital, bumalik sa dati ang sigla at saya niya," basa ni Audrey sa article.
Nanlaki ang mga mata namin. This is the technology that the nurse is talking about? Ngunit papaano? How could they transfer a heart from one person to another?
"This is great, Rayne. Ipapakita ko ito kaagad kay Kirsten at kay Bill," ani ni Audrey at nagmamadaling lumabas upang hanapin ang dalawa. Kaya naiwan kaming dalawa ni Rayne.
"You don't seem so happy," Rayne noticed.
Umiling ako at inilapat ang kanang bahagi ng aking mukha sa lamesa. "I'm just scared of what will happen to Lois. He's too young for that operation. Sa tingin mo ba makakaya niya?"
"We are all scared of what might happen to him, Charlotte ngunit wala naman tayong magagawa kundi kumapit sa patalim. There's a slim chance that he'll survive but kung hindi natin siya mapapagamot ay mas lalo siyang hihina at mahihirapan."
She went to me and calmed me down. I am overthinking again but I really shouldn't. I mean makakaya 'to ni Lois. I just have to put my faith in that child. I know he'll never bring us down.
"This proposition means so much to me. Thank you for your help, pero sa tingin ko ay hindi ko makakaya ang pamamaraang ito," nanlulumong saad ni Bill.
BINABASA MO ANG
High Ranks (Completed)
Ficción General[Currently Under Revamping Stage] Crimson Society's First Installment Nobility comes with great deal of responsibility.