Chapter 3

2.4K 111 11
                                    

Chapter 3: Gala in Mall

“Anong maganda?” tanong ko kay Ay-Ay habang tinitingnan ang magazine na may mga wedding gown.

Nandito kami ngayon sa pagsusukatan ko ng wedding gown. Kasama ko si mama, tita at si Ay-Ay. Ayaw sanang sumama ni Ay-Ay 'e kaso nagalit si Tita kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa amin.

“Bakit ako tinatanong mo? Ikaw mag susuot diba?” masungit nitong sabi.

Napasimangot ako. Oo nga naman Miracle, ako yung mag susuot kaya dapat hindi ako nag tatanong sa kanya kung alin ang maganda. Pero... ay basta.

“Haler, may nasagap kaya akong balita na magagaling daw ang mga bakla sa pagtingin ng mga ganitong damit.” umirap ako, marunong na talaga akong umirap 'a.

“Akin na nga.” inagaw niya bigla sa akin ang hawak ko.

Napangiti naman ako at pinanood na lang siyang tumingin sa mga gown. Ilang araw na lang ay ikakasal na ako kaya napaka busy nila mama. Ibinigay ko na din kay Danreb ang invitation card nung nakaraan, siya lang naman ang kaibigan ko kaya isa lang na invitation ang hiningi ko kay mama. Tuwang tuwa pa nga ang cuteii nayun at sabi niya pa ay itatago daw niya ng matagal ang invitation card dahil maganda daw ang design. Hindi ko siya gets 'e.

“Ito.”

Napatingin naman ako sa itinuro ni Ay-Ay. Nagulat naman ako sa itsura ng pinili niyang gown. Off shoulder ito at mukhang magaganda lang ang katawan ang pwedeng sumuot nito. Pansin ko din na may maliliit na diamond ito sa may bandang dibdib. Ang ganda niya pero ang mahal.

“Omyghad! Ang ganda ng napili mo, iho!” nabigla naman ako ng sumigaw si mama sa likod ko.

“Pero hindi po sexy ang anak niyo, mas sexy pa ako sa kanya.”

Napatingin ako kay Ay-Ay ng laglag ang panga.

“Kailan pa naging sexy yung payat?” sabi ko.

Umikot lang ang mga mata nito at ibinaling ang tingin niya sa binabasa niya.

“Ano ka ba, Aywayne? Napakaganda at napaka-sexy nitong si Miracle.” sabi ni Tita sa kanya.

Napaismid naman siya na ikinasimangot ko. Napaka ano talaga nitong bakla na ito.

Sinukatan ako ng dalawang katulad ni Ay-Ay kaso nga lang ay hindi kasing pogi sila ni Ay-Ay. Itinatanong ko sa isip ko kung bakit ang gwapo gwapo ni Ay-Ay 'e yung iba naman na bakla 'e hindi.

Pagkatapos ng mahaba naming oras dito ay umalis na kami. Sila mama na daw ang bahala ng lahat kaya naman ay makakapagpahinga na ako pero parang gusto ko ngayong mamasyal muna.

Napatingin ako kay Ay-Ay na nasa tabi ko nakaupo. Nauuna yung kotse na sinasakyan nila mama at yung kotse naman namin na sinasakyan ay nasa likod lang nila. Hinawakan ko ang manggas ng long sleeves na suot niya.

Nakakapagtaka talaga dahil kung titingnan mo si Ay-Ay ay hindi siya mukhang bakla dahil napaka manly ng mga suot niya.

“Bakla.” tawag ko sa kanya.

“Ano?!”

Nagulat naman ako sa sigaw niya. Tinawag ko lang siya pero kung makasigaw ay parang galit 'e.

“Kumain muna tayo at mamasyal, please.” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Duh, ayoko nga. Mag-isa ka.” umirap naman siya at tumingin sa labas.

Hinigit ko ang manggas niya, “Please. Samahan mo na ako.” pag papaawa ko.

Inis siyang tumingin sa akin, “Pag sinabing ayoko. Ayoko. Atsaka mag papa parlor pa ako ngayon.”

My Husband is GayWhere stories live. Discover now