Chapter 19

2.2K 115 1
                                    

Chapter 19: Nagseselos ako

“Gosh, nakakapagod.”

Napatingin ako sa babaeng tumabi sa’kin. Si Erin lang pala. Katulad ko ay nakasuot din siya ng uniform ng isang nurse. Kakapahinga lang namin ngayon sa training namin. Alas otso na din ng gabi at hindi pa ako nakakain.

Bakit ba kasi ginawa gawa pa ‘tong training na ‘to? First year college palang kami! Pero sabi daw nila ay para daw mag-improve kami kapag tumuntong na sa second year at para daw ay marami kaming malaman pagdating sa medicine.

“Inom ka muna.” inabot ko sa’kanya ang tubig at napasalamat naman siya.

“Nakakapagod naman ang training na ‘to, paano na kaya kung doctor na talaga tayo? Mas nakakapagod siguro yun.” tapos uminom siya ng tubig.

Napanguso naman ako, “Oo nga ‘e.”

Napatingin naman siya sa’kin at inirapan ako, “Sa sobrang cute mo kapag ngumunguso pwedeng pwede na tanggalin yang labi mo.”

Napasimangot naman ako na ikinatawa niya lang. Sa nagdaang araw ay bukod kay Danreb ay naka close ko na din itong si Erin kaya masayang masaya ako na nagkaroon na din ako ng isa pang kaibigan.

“Kamusta na pala kayo ng asawa mo huh?” tumaas pa ang isang kilay niya.

Oo nga pala, kamusta na kaya kami? Siguro... hindi pa pero para sa’kanya ay ayos naman kami sa’kin lang ang hindi. Iniiwasan ko kasi siya simula nung nangyari nung gabing iyun. Sa bawat araw na dumadaan ay umaasa akong ipapaliwanag niya ang tungkol sa kiss pero parang wala lang sa’kanya. Nagtatampo din ako dahil imbis na suyuin niya ako ay wala man lang siyang ginawa.

Sabi niya ay ayaw daw niya akong umiiwas sa’kanya pero ginawa ko ulit ang pag-iwas sa’kanya ay hinayaan niya lang ako. Wala talaga siyang pake sa’kin.

“Hoy, tinatanong kita baks!” nabalik naman ako sa katinuan ng mag reklamo si Erin.

Napakamot ako sa pisngi ko, “Ah, nagtatanong ka?”

Napapoker face siya at inirapan ako. Magsasalita na sana siya ng biglang sumulpot si Danreb na may dalang plastic.

“Ano yan?” tanong ni Erin.

“Plastic.” sarkastikong sabi ni Danreb.

Hindi ko talaga maintindihan itong dalawang ‘to dahil simula ng maging magkaibigan kami ay palagi nalang ‘tong dalawa na nag-aaway. Nagsisigawan. Minsan si Danreb ang nauuna at minsan si Erin naman kaya sa tuwing magkasama kaming tatlo ay palaging maingay.

“Alam ko, tanga. Mukha ba akong walang mata? Ang tinatanong ko kung ano ang laman niyan.” naiinis na sabi ni Erin.

Nagpalipat lipat naman ako ng tingin. Magsisimula naman sila.

“Edi sinabi mo sana ‘ano laman nito?’ hindi yung ‘ano yan?, tanga mo din minsan ‘e.”

Napakamot ako ng batok ko, “Ahm, kakain na ba tayo?” dahil sa sinabi ko ay napatingin sa’kin yung dalawa.

“Ay baks, bakit mo alam na pagkain ‘to?” gulat na sabi ni Danreb.

“Eh naaamoy ko ‘e.”

“Gutom na nga. Halika na, punta na tayo sa canteen.” hinila ako ni Erin.

Pagkarating namin sa canteen ay maraming kumakain lalo na yung mga ka block ko. Naupo naman kaming tatlo sa bakanteng upuan. Inilabas ni Danreb ang tupperware. Tumunog ang tiyan ko ng malanghap ko ang ulam namin kaya napatingin sa’kin ang dalawa at natawa.

Nagsimula na kaming kumain habang nagsasalita ang dalawa. Maya maya ay narinig ko ang mahinang pagtili ni Erin kaya nagtaka ako.

“Alam niyo ba, may bagong doctor dito sa hospital na ‘to?!” tuwang tuwa na sambit niya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now