Chapter 36: Welcome Back
“Hon, anong result?” tanong ni Calvin ng makarating ako sa bahay.
Limang na taon na kaming magkasama at sa limang taon na iyun ay masaya ako sa’kanya at nawala din ang mga nararamdaman at iniisip ko noon sa hospital. Masaya ako dahil ang isang tulad niyang mabait, maasikaso at syempre gwapo ang napangasawa ko. Lahat na sa’kanya na lalo na ang maalaga sa’kin.
Kahit na wala akong maalala ay ipinapaalala naman niya kung gaano namin kamahal ang isa’t isa noon. Sa limang taon ko ding pag-aaral ng medicine dito sa State ay siya ang inspirasyon ko.
Malungkot naman akong ngumiti at nag-aalalang lumapit siya sa’kin.
“Hindi ka ba pumasa? Di bale, nagte-take ka ulit ng exam. 'Wag kang mawalan ng pag-asa, ok?” pagpapagaan niya ng loob ko.
Isa din ito sa ikinatutuwa ko sa’kanya ‘e. Mahal na mahal niya talaga ako pero ewan ko ba sa pusong ito, wala man lang maramdaman na kung ano man pero sinasabi ko sa sarili ko na asawa ko siya at may nararamdaman din ako sa’kanya katulad ng nararamdaman niya sa’kin.
Pinagmasdan ko din siya at maya maya ay napangiti ako sabay yakap sa’kanya.
“Pasado ako! I’m now a doctor!” tumatalon talon kong sigaw sa'kanya habang nakayakap.
Natawa naman siya at yinakap niya ako ng mahigpit, “I’m happy for you, Stef.”
Humiwalay ako sa yakap at tiningnan ko siya. Ngumiti ako at hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil ko naman iyun.
“Thank you dahil nung nahihirapan ako noon sa pag-aaral ay palagi kang nandyan. Hindi ko maabot iyun kung hindi dahil sayo, asawa ko.” napasubsob ako sa dibdib niya at yinakap siya.
Hinaplos naman niya ang buhok ko, “I love you.” bulong niya sa tenga ko.
Napatingkayad naman ako at bumulong sa tenga niya, “I love you too.”
Lagi nalang ganito, tuwing sasabihin ko sa'kanya iyun ay wala naman akong nararamdamang kakaiba sa puso ko katulad ng ilang mga mag-asawa o magkasintahan.
“Congrats.”
Napalingon kami sa pintuan at pumasok dun si Noel na may makapal na coat. Malamig kasi ang panahon dito sa States kaya makakapal ang suot namin. Ngumiti naman ako ng naiilang. Sa limang taon namin dito ay laging malamig ang pakikisama sa’kin ni Noel. Natatandaan ko pa nung sinubukan ko siyang kausapin pero tiningnan niya lang ako ng malamig. I don't know kung bakit ganun siya sa’kin at sa kapatid din niya.
“Thank you.” pasasalamat ko.
Tumango naman siya at tiningnan si Noel bago pumunta sa living room. Isang beses sa isang buwan lang siyang pumupunta sa bahay namin at sa isang beses na iyon ay dito siya nagpapalipas ng gabi.
“Kausapin ko muna si Kuya. At mag si-celebrate din tayo mamaya.” ngumiti sa’kin si Calvin.
Ngumiti naman ako at tumango. Pumunta ako sa kwarto namin. Hinubad ko ang makapal at mahaba kong coat. Napahiga ako sa kama at napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa exam namin. Bukas ko na din makukuha ang license ko kaya excited na talaga ako. Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod.
Nagising ako dahil sa kiliti na nararamdaman ko sa leeg ko. Bumungad sa’kin ang nakangiting si Calvin habang hinahalikan ang leeg ko. Napangiti naman ako at bahagyang itinulak ang mukha niya na ikinatawa naman niya. Lagi siyang ganito kapag nilalambing ako o gigisingin ako.
“Get up, hon. Kakain na tayo.” hinawakan pa niya ang kamay ko at hinila iyun pero hindi ako nagpahila dahil inaantok pa ako.
“I'm sleepy.” ungot ko habang nakapikit.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomanceArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022