Chapter 26: Best vacation ever
"Anong nangyari sa'inyo ni Aywayne dun sa dulo ng pang-pang ha?" siniko ako ni Ate Daisy na kasama ko ngayon.
Lumalangoy kami ngayon sa mababaw na parte ng dagat. Namula ako sa tanong niya. Kanina pa nangyari ang nangyari sa'min ni Ay-Ay at hanggang ngayon ay mahapdi pa din pero nawawala na siya. Ramdam na ramdam ko pa din na nasa loob ko siya! Pagkatapos palang mangyari iyun ay pinayagan niya akong magtampisaw dito sa dagat at siya naman ay may gagawin pa daw siya sa hotel na hindi ko alam kung ano.
"Hoy, bakit pulang pula ng pisngi mo? May nangyari noe?" usisa ni Ate Daisy pero umiling iling ako.
Ayokong ikwento sa'kanya, nahihiya ako kung ikwekwento ko sa'kanya ang lahat ng ginawa at nangyari sa'min ni Ay-Ay.
"Wala naman, Ate. Nag-usap lang kami at nagkabati din." pagsisinungaling ko at ngumiti.
Ilang beses na ba akong nag-sinungaling? Hayst, pero wala akong magagawa dahil nahihiya akong magkwento. Baka mamaya ko na ikwento kila Ate.
"Ganun?" nakangising sabi niya kaya tumatango naman ako.
Winisikan niya ako ng tubig kaya ginantihan ko din siya. Tawa lang kami ng tawa habang nagwiwisikan.
"Wait. Ahon lang ako, Miracle. Dito ka lang." tumango naman ako sa'kanya at lumangoy langoy nalang dito kahit na hindi gaanong malalim.
Hindi naman kasi ako marunong lumangoy sa malalim 'e.
"T-Tulong! Tulong po!"
Napatigil ako sa paglangoy at nakita ko ang isang bata na may kalayuan sa pwesto ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nalulunod na siya! Napatingin ako sa paligid pero parang hindi nila napapansin ang bata. Napatayo ako at hahakbang na sana pero napatigil ako.
Hindi ako marunong lumangoy! Pero mapapahamak kapag hindi ko tinulungan ang bata! Bahala na!
Tumakbo ako papunta sa bata at ng nasa medyo malalim na ako ay sinubukan kong lumangoy papalapit sa bata. Inabot ko ang kamay ng bata at isinuot sa'kanya ang life vest na suot ko. Sinubukan ko ulit lumangoy pero nagulat ako ng wala na akong maapakan na buhangin. Sobrang lalim na ng pwesto ko!
"A-Ate!" sigaw ng bata na lumulutang na ngayon at sinubukang hawakan ang kamay ko pero hindi niya maabot dahil parang may humihila sa'kin papalayo at palubog.
"Tulong!" malakas kong sigaw pero halos hindi na ako makasigaw dahil may naiinom na akong tubig.
"Omyghad! Miracle!" rinig kong sigaw ni Ate Daisy pero hindi ko na siya matingnan dahil tuluyan na akong lumubog.
Hindi na ako makagalaw at hindi na ako makahinga. Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko pero bago oa ako mawalan ng malay ay may naaninag akong taong lumalangoy papalapit sa'kin galing taas at iniaabot ang kamay ko. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Napa-ubo ako ng may kasamang tubig at napaupo.
"Miracle!" sigaw ni Ate Daisy ang bumungad sa'kin at niyakap ako.
Umiiyak siya, "I'm sorry, sana hindi kita iniwan ng mag-isa dun."
Napailing iling naman ako, "A-Ayos na ako, Ate." napatingin ako sa paligid ko at nakita ko si Ay-Ay na tumatakbo mula sa malayo papunta sa'kin.
"Shit, what happened?" nag-aalala siyang lumapit sa'kin at tumayo naman si Ate Daisy.
"I-Iniwan ko siyang mag-isa kanina sa gilid ng dagat tapos pagbalik ko ay nakita ko na siyang nalulunod." umiiyak na sabi ni Ate Daisy at ini-alo naman siya ni Kuya Gael.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomansaArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022