Chapter 4: Secret Admirer
Ininat ko ang katawan ko at idinilat ang mga mata. Napapikit ako ng masinagan ako ng araw sa mukha. Hindi ko pala naisara ang kurtina ng sliding door sa veranda. Bumangon ako kahit masakit ang katawan ko.
Napagod ako kahapon sa pamamasyal namin sa mall. Nung matapos kasi kami dun sa restaurant na kinainan namin ay pinilit pilit ko pa si Ay-Ay na gumala kung saan saan. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumama sa'kin kahit mukhang ayaw na niya akong makasama. Gabi na ng makauwi kami kaya ang sakit ng katawan ko ng magising ako.
Ginawa ko muna ang morning routine ko sa banyo bago bumaba. Humihikab pa akong naglakad papunta sa kusina.
Wala akong pasok ng ilang araw dahil pagtuonan ko daw muna ng pansin ang kasal ko sabi ni mama. Ipinaalam na din niya ako sa dean at sa mga professors ko, pagkatapos ng kasal ay babalik na din ako sa pag-aaral.
"Good morning, sweetie." nakangiting mukha ni mama ang bumungad sa'kin, naghahanda naman siya ng breakfast katulong ang mga maid.
"Good morning, mama." naupo ako sa upuan.
Nabigla naman ako ng naupo sa tabing upuan ko si mama at inusog ang upuan sa'kin.
"So, anong nangyari sa date niyo ni Aywayne? Masaya ba anak?" mukhang excited si mama na malaman.
Napakamot naman ako ng ulo at napangiti ng nahihiya. Inaakala nilang date ang ginawa namin kahapon? Teka nga, ano pa lang date? Sa dyaryo ba yun?
"Date? Ano pa lang date, ma?" takang tanong ko.
Bumaba ang balikat niya at sumimangot, "Ang date ay ginawa ng dalawang taong magkaiba ang kasarian, ma-umaga o gabi man. Halimbawa, kumakain silang mag-kasama sa isang romantic restaurant at mamasyal na magkahawak ang kamay."
Napangiwi naman ako. Yun ang date? Eh year, month at day meron kaya?
"Hindi naman yun date, ma. Nag-aasaran lang naman kami kahapon habang namamasyal tapos lagi pa siyang nakatingin sa mga lalake." napanguso ako.
Napasimangot naman si mama, "Hayy, kailan ba magbabago ang batang iyun?" sabi niya at ipinagtimpla ako ng gatas, ayaw nila ako parating umiinom ng kape 'e.
"Ma, kung magbabago siya ay baka maging alien na siya. Hindi pa naman dito pwede na iba ang itsura." kumain ako ng bacon at nilagyan ng kanin.
Napailing iling naman siya habang tumatawa ng mahina. Inilapag niya ang gatas sa'kin at hinalikan ako sa noo.
"Hindi na kami magb-breakfast, sweetie. Kailangan naming asikasuhin na ang mga kailangan sa kasal. Mamasyal ka na lang dyan sa park dito sa village ha? Huwag kang lalayo."
Kaya pala bihis na bihis siya. Hindi ko na naman sila makakasamang kumain, mag-isa na naman ako. Bakit ba kasi nag-iisang anak lang ako?
"Malaki na ako ma, kaya ko ng pumunta sa kung saan saan." ngumiti ako, "Sige na ma, baka malate pa ikaw. Byebye." hinalikan ko ang pisngi niya.
"Bye sweetie, I love you." naglakad siyang madali paalis.
"I love you too, ma!" nakangiting sigaw ko hanggang sa mawala na siya.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nang matapos ako ay hinanap ko ang poodle ko at nakita ko siya sa library na natutulog sa blanket. Napangiti naman ako at kinarga ko siya dahilan para magising siya. Bigla siyang tumahol at dinalaan ang pisngi ko. Napatawa naman ako.
Inilapag ko siya sa sahig ng makarating kami sa sala. Isinuot ko sa'kanya ang tali pero maluwag lang. Napangiti naman ako dahil sa suot din niyang kulay blue na damit. Kulay blue kasi lalake pala itong baby ko.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomanceArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022