Chapter 16: When she cry
“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko bigla habang kumakain kami.
Kasi naman ay kanina pa niya ako tiningnan sa hindi ko malamang dahilan. Wala na nga pala akong sakit kaya makakasabay na ako sa’kanyang pumasok sa campus.
“Wala.” nag-iwas siya ng tingin na ikinanguso ko.
“Wala? Kagabi pa yang wala na yan ‘a.” sa tuwing tatanungin ko kasi ay parating wala ang sagot, nakakainis na ‘to ‘a.
Hindi naman siya sumagot kaya hindi na rin ako nagsalita. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na kami ng bahay ay pumasok sa kotse niya na siya na yung nag-dadrive.
“Bakit ang seryoso mo?” takang tanong ko sa’kanya habang tinitingnan siyang seryosong nagdadrive.
Kanina pa talaga ‘to seryoso ‘e kaya hindi ko maasar. Napatingin siya sa’kin sabay tingin ulit sa daan.
“Wala.” napapoker face ako.
Puro wala! Bahala nga siya. Tumingin nalang ako sa labas. Hanggang sa makarating kami sa university ay wala kaming imikan. Lumabas ako ng kotse at hindi na siya inintay.
“Wait..” tumigil naman ako at tumingin sa’kanya pero ang walang hiya, hindi pala ako ang kausap niya kundi si Lance na kakarating lang.
Napairap nalang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa building namin ay nakita ko si Danreb na nilalaro ang ballpen niya habang malayo ang tingin.
“Saang bansa ka na nakarating?” naupo ako sa tabi niya kaya napabaling siya sa’kin.
“Ha?”
“Sa sobrang layo ng iniisip mo ay sure akong nakarating ka na sa New York.” natawa naman siya sa sinabi ko pero sumeryoso din at tiningnan ako ng mabuti.
“Wala ka ng lagnat.” hinawakan niya ang noo ko kaya tumango naman ako.
“Magaling mag-alaga yung architect ko ‘e.” natatawang sabi ko.
Ngumiti naman siya, “Mukhang magaling pang mag-alaga ang architect kesa sa doctor na kagaya ko.” nakangusong sabi niya na ikinatawa ko nalang.
May bigla siyang kinuha sa bag niya at napangiti ako lalo ng makita ko ang matamis na namang pagkain.
“Sayo na yung isa.” kinuha ko naman ang ibinigay niya sa’kin pero hindi ko na nagawang kainin ng dumating ang prof namin.
Nakinig nalang ako sa prof namin. Magiging busy na talaga ako ngayong susunod na araw dahil malapit na ang first semester exam namin. Nang matapos ang discussion namin ay break time na kaya sabay kaming pumunta ni Danreb sa cafeteria. Umorder kami ng makakain at umupo sa bakanteng upuan dito.
“Grabi, nilagnat kalang mas pumangit ka lalo.”
Napatigil ako sa pagsubo at tiningnan ng masama si Danreb. Grabi talaga ‘to makalait sa’kin, akala mo naman kung sinong gwapo.
“Grabi, isang araw lang tayong hindi nagkita ay pumangit na yang mukha mo.” sabay subo ko ng pagkain.
Sinamaan naman niya ako ng tingin na ikinatawa ko.
“Gwapo kaya ako.” napanguso naman ako sa sinabi niya.
“Para sabihin ko sayo, wala sa lahi niyo ang pagiging gwapo.”
Nalaglag ang panga niya at napanguso siya, “Gusto mong lahian kita para malaman mo?”
“Ha?” takang tanong ko.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomansArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022