Chapter 18: Halik
“Ano ba?! Siksik ka ng siksik sa’kin ‘e.” maarteng sabi ni bakla at bigla akong itunulak.
Napanguso naman ako sa ginawa niya, “E nakakatakot yung pinapanood natin ‘e.”
Nandito kami ngayon sa kwarto habang nakadapa kaming dalawa sa kama at nanonood ng horror movie. Si Ay-Ay yung pumili ng palabas na yan, ‘e ayaw na ayaw ko pa naman sa horror movie. Baka mamaya dalawin ako ng multo dun sa movie.
“Edi wag kang manood! Matulog ka na.” singhal niya bago bumaling ulit sa tv.
“Paano ako makakatulog? E napakalakas ng tilian ng mga tao dyan sa tv!”
Tiningnan naman niya ako ng naiinis, “Edi takpan mo ng unan ang tenga mo!”
Inirapan ko nalang siya at tumingin sa tv pero kasabay ng pagtingin ko ay ang pag litaw naman ng nakakatakot na mukha sa tv kaya malakas akong napatili at napasiksik ulit sa tabi ni Ay-Ay. Narinig ko naman ang pagtawa niya.
“Nakakainis ka, bakla! Paano kung atakehin ako sa puso!” naiiyak kung sigaw sa’kanya.
Natigil naman siya sa pagtawa at tiningnan ako.
“Ang OA mo.” inakbayan niya ako at inilapit ako sa’kanya.
Napatingin naman ako sa gwapo niyang mukha na nakatingin sa tv. Napangiti naman ako.
“Mas nakakatakot pa ang mukha mo kesa sa aswang na pinapanood natin.”
Pinalo ko naman ang braso dahil sa sinabi niya at napasimangot. Hilig talaga niya akong inisin. Natawa naman siya ng mahina. Nanood nalang ako katulad niya pero hindi ako masyadong maka focus dahil hindi ko talaga kayang tingnan ang nasa palabas.
Nagulat nalang ako ng biglang mag kiss yung babae at lalake. Tumakas lang sila sa aswang tapos magkikiss na sila?
“A-Anong–” nasambit ko bigla ng biglang takpan ni Ay-Ay ang mga mata ko.
“Bawal kang manood ng ganitong scene noe.” kahit hindi ko nakikita ay alam ko namang inirapan na naman niya ako.
Hinayaan ko nalang siya at maya maya din ay inalis na niya ang kamay niya sa mata ko kasabay naman niyun ang pagtawag ng phone ko. Tiningnan ko muna si Ay-Ay na tutok na tutok sa palabas kaya kinuha ko ang phone ko at sinagot.
“Hello?” sabi ko.
“Hello, baks.”
Si Danreb lang pala. Binigay ko kasi sa’kanya ang phone number ko para minsan ay kapag wala akong ginagawa ay matawagan ko siya. Hindi ko sinunod ang utos sa’kin ni Ay-Ay na huwag ibibigay sa iba ang number ko. Kaibigan ko naman ‘to si Danreb ‘e.
“Yes?”
Matagal siyang hindi sumagot bago bumuntong hininga, “May training tayo sa susunod na linggo diba?”
“Yes, bakit?”
May training kasi kami sa susunod na linggo bago ang exam namin. Sa isang hospital kami pupunta at tutulong kami sa ibang mga nurse na nandun pero hindi pa kami pwedeng humawak ng pasyente dahil kakasimula palang naman namin ng training. Every year before exam, ay palaging ganun ang ginagawa ng mga med student dun sa university namin.
“Ah, ok. Hindi ko kasi alam ‘e, kaya napatawag ako.” napangiti naman ako.
Wala na naman kasi siya nung inanunsyo iyun sa’amin ng prof ‘e. Ewan ko ba dito kay Danreb palaging wala.
“Saan ka ba kasi nagpupunta ha?” takang tanong ko.
“Secret na malupit.”
Natawa naman ako sa sinabi niya pero naputol din ng biglang agawin sa’kin ni Ay-Ay ang tawag sabay patay ng phone ko. Napatingin naman ako sa’kanya at ang sama sama ng tingin niya sa’kin.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomantiekArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022