Chapter 1

4.7K 154 31
                                    

Chapter 1: Same University

Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo ako at nag bihis ng uniform para sa university na papasukan ko. Sila mama ang nag enroll sa akin sa university nayun kaya hindi ko alam kung anong itsura ng papasukan ko.

Kagabi ay ipinaliwanag nila mama ang tungkol sa kasal ko. Hindi naman ako makatanggi dahil palagi kung sinusunod ang mga magulang ko. Akala ko pa naman magiging malaya na ako, yun pala ay ikakasal ako.

“Good morning, ma.” bati ko ng makababa na ako.

Naghahanda siya ng pagkain ng maabutan ko. Inilagay ko naman ang bag ko sa upuan at naupo.

“Good morning, sweetie.” nakangiting sabi ni mama.

“Nasaan po si papa?” tanong ko habang kumukuha ng pagkain na inaabot naman sa akin si mama.

Kahit college na ako ay alagang alaga pa rin sila mama sa akin dahil nag iisang anak lang ako kaya naman ay sa Isla nila ako pinatira at pinaaral. Unang beses ko nga makarating dito sa Manila at sa mansion eh kasi ay hanggang sa Isla lang namin ako hindi nila ako pinapayagan na umalis doon kaya ito lagi akong amaze na amaze sa mga bago sa paningin ko at pandinig.

“Nasa kumpanya siya, may appointment siya sa Tito Wayne mo.”

Napasimangot naman ako, “Hindi man lang sumabay sa atin mag breakfast.”

Natawa naman si mama habang ako ay kain ng kain. Malalate na ako eh atsaka breakfast 'to diba? Kaya dapat fast.

“Don’t worry, sweetie. Mamayang dinner ay sasabay siya kasama ang mga Del Vecho, pag uusapan natin ang kasal niyo ni Aywayne.” she giggled.

Mas lalo akong napasimangot. Ibig sabihin ay makikita ko na naman ay mapapangasawa kung bakla?

“Mama, ayos lang ba sainyo yun na gay ang ipapakasal niyo sa akin?” I asked.

Napatigil siya at ngumiti.

“Of course, sweetie. Atsaka mukhang mabait naman si Aywayne kahit na ikot ng ikot ang mga mata niya.” natawa naman siya.

Hindi naman ako nag salita. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nang matapos ako ay nag paalam na ako kay mama na aalis.

“Sweetie, isama mo yung mga bodyguards mo ah.” sabi ni mama ng papasok na sana ako sa kotse.

Napatingin ako kay mama ng nakasimangot.

“Ma, malaki na po ako. Hindi ko na kailangan ng mga bodyguards atsaka kailangan ko naman maging malaya ngayon, ma. Diba ikakasal na ako.”

Napangiti siya at yinakap ako.

“Oh sige, bye bye.”

Napangiti naman ako at nag babye na sakanya. Nakatingin lang ako sa labas buong byahe. Napapangiti pa ako kapag may nakikita akong mga malalaking building. Grabe naman, ibang iba dito sa Manila ah.

Pagkahinto ng kotse ay bumaba na ako. Papasok na sana ako ng campus ng biglang may kotse na huminto sa tabi ng kotse namin. Lumabas naman doon ang isang matangkad na lalake. Napasinghap naman ako ng makilala ko kung sino siya.

“Hi Ay-Ay!” sigaw ko sa kanya at kumaway.

Napatigil naman siya at tumaas ang kilay niya ng tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya.

“Good morning.” nakangiting bati ko.

“Wag mo nga akong lapitan.” umikot na naman ang mga mata niya at naunang mag lakad.

Napasimangot naman ako at sumunod na lang sa kanya. Parehas pala kami ng university pero siguro hindi din kami parehas na course. Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may nabangga si Ay-Ay na babae at napaupo pa yung babae.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now