Chapter 28: Trust me
“Where is Erin?”
Napaangat ako ng tingin kay Danreb. Kanina pa kami nandito at sinusubukan ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil maraming mga bisita ang lumalapit sa’kanya. At isa pa ay hindi ko mahanap si Erin! Nasaan na ba ang babaeng yun?
“Mukha bang alam ko? Hanapin mo siya, kayong dalawa ang mag-usap.” masungit na sabi ko.
“Are mad at me?” malungkot na sabi niya na ikinanguso ko.
“Oo, kasi wala man lang lumalapit na waiter sa’kin para bigyan ako ng alak. Inuutos mo siguro iyun sa’kanila na hindi ako bigyan.” napairap ako.
Kanina pa ako naiinis sa mga waiter dahil kapag aabutin ko na ang hawak nilang tray na may wine ay aalis at lalagpasan nila ako at inalalayo ang wine sa’kin.
Natawa naman siya, “Hindi ako ang nag-utos nun. Baka ang asawa mo.” sinulyapan niya si Ay-Ay na katabi ko lang at umalis na pero hinawakan ko ang braso niya kaya napatigil siya.
Taka naman siyang tumingin sa’kin na sinuklian ko ng matamis na ngiti at inaabot ko sa’kanya ang regalo ko na galing pang Palawan.
“Happy birthday, Danreb cutiee.”
Napangiti naman siya at nagtangkang hahalikan ang noo ko pero isang masamang tingin lang ni Ay-Ay sa’kanya ay napahinto na siya saka natawa.
“Thank you. Btw, pwede ba kitang maka-usap mamaya?” hindi ko alam kung bakit ako napatingin kay Ay-Ay na ngayon ay nakabusangot na dahil sa sinabi ni Danreb.
Ngumiti ako kay Danreb at tumango, “Sige.” ngumiti siya at magpaalam ng umalis dahil hahanapin pa daw niya si Erin.
Ewan ko dun sa dalawa, hindi ko alam kung anong nangyayari sa’kanila ‘e hindi naman kasi nagkwekwento.
“Bakit ka pumayag na makipag usap sa’kanya?” napabaling ako kay Ay-Ay na nakabusangot.
“Ano namang masama kung makipag usap ako sa’kanya? Kaibigan ko naman si Danreb ‘e.”
Inirapan niya lang ako at kaya kumain nalang ako ng kinuha niyang pagkain kanina para sa’kin. Napatingin ako kila Mama na nakikipag-usap sa ka-business nila. Napanguso naman ako, hindi ko man lang sila makausap.
“Boring naman. Uwi nalang tayo.” biglang hinawakan ng isang kamay niya ang bewang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
“Mag-uusap pa kaya kami ni Danreb.” tumingin ako sa’kanya.
Napairap siya at lumayo sa’kin, ”Tss, sige dun ka na sa lalakeng yun.”
Napanganga ako sa sinabi niya, “Tampo ka na niyan?”
“Oo.” ba’t ang cute niya?!
Napabungisngis naman ako at kinurot ang pisngi niya.
“Mag-uusap lang talaga kami, ok? Tapos uuwi na din tayo.”
“Fine. Wait, CR muna ako.” paalam niya kaya tumango naman ako.
Tumingin nalang ako sa harap kung saan nagsasalita ang papa ni Danreb kasama iyong babae kanina. Ikakasal na si Danreb sa babaeng yan? Maganda naman siya pero hindi pa siya naipakilala sa’kin ni Dabreb kaya sure akong ayaw niyang ikasal sa babaeng yan. Mas gusto ko si Erin para sa’kanya kahit magkaibigan kami.
Matagal ding hindi nakabalik si Ay-Ay kaya naiinip na ako at nag-aalala na din. Baka iniwan na niya ako dito. Napainom nalang ako ng juice na nasa mesa at iginila ko ang paningin ko pero hindi ko siya mahanap hanggang sa may lumapit sa’king lalake. Akala ko si Ay-Ay pero si Danreb lang pala.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomanceArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022