Chapter 38: Hindi Maintindihan
Ngumiti ako sa guard ng pagbuksan niya ako para makapasok sa hospital. Ikalawang araw ko na ito na papasok sa hospital ni Kuya Noel at panigurado na naman ako na mapapagod naman ako. Pagkapasok ko sa office ko ay tiningnan ko na ang papel ng mga pasyente ko.
Lumabas ako para mapuntahan ang isa sa mga pasyente para i-check. Nang nasa ikatlong palapag na ako ng hospital ay napatigil naman ako ng makita ko si Mr. Del Vecho na naglalakas. Naka hospital gown siya at sapo sapo ng palad niya ang kamay niya. Tumaas naman ang kilay ko. Diba dapat nakalabas na siya?
Tatanungin ko na sana siya kung bakit nandito ay napatigil ako. Oo nga pala, mamaya pa ang labas niya dito. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso.
Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko dahil katulad kahapon ay may kuryente na naman akong naramdaman. Kuno’t noo ko siyang tiningnan.
“May maitutulong ba ako, Mr. Del Vecho?” mahinahon kong tanong pero hindi siya makasagot dahil nakatingin lang siya sa’kin.
Napairap ako, “Kung wala kang sasabihin, aalis na ako. I’m busy person, Mr.” nilampasan ko na siya pero dalawang hakbang palang ang nagagawa ko ng mapatigil ako nang magsalita siya.
“I miss you. Miss na miss na kita, Miracle. Asawa ko.”
May kung anong kumurot sa puso ko pero binalewala ko lang iyun. Humarap ako sa’kanya. Nakatingin siya sa’kin ng malungkot at may sakit sa mga mata niya.
“Don’t call me Miracle. I’m not Miracle, I’m Stefani. Stefani Castillo at wala akong asawang kagaya mo.” tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa bago tumingin sa mga mata niya na ngayon ay namumula na, “Only Calvin. Siya ang asawa ko, hindi ikaw.” at tinalikuran ko na siya.
Napahinga ako ng malalim. Bakit ako pa yata ang nasaktan ng sabihin ko iyun sa’kanya? Kainis, ano bang nangyayari sa’kin? Kahapon pa ito at kagabi.
Kagabi kasi ay may napanaginipan naman ako pero malabo ang kasama kong lalake at nang magising ako ay dun ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Gusto ko sanang sabihin kay Calvin ang tungkol dun pero mas pinili ko nalang ang manahimik.
Pagkatapos kong i-check ang pasyente ko ay may lumapit naman sa’kin na isang nurse at sinabing may isinugod na isang tao na may tamang bala sa dibdib at kailangan ng operahan ngayon na kaya dali dali akong tumakbo at nakita ko ang mga taong nag-iiyakan sa pinto ng OR. Sinabi ko sa’kanila na gagawin ko ang lahat para mailigtas ang anak nila.
Inalis ko ang gloves ko at naghugas ng kamay. Ilang oras din ang itinagal ng operasyon at sobrang kabado ako dahil baka hindi ko magawang iligtas ang pasyente ko kanina. Kahit na marami na akong na-encounter na ganun na malapit sa puso ay kinakabahan pa rin ako dahil isang mali mo lang ay buhay ang mawawala.
Napahinga ako ng malalim at binuksan ko na ang pinto pero napatigil ako ng pagkalabas ko at may bulaklak na sa mukha ko. Tumaas naman ang kilay ko pero nawala din ng makita ko si Calvin na nakangiti habang hawak hawak ang bouquet.
“For my lovely wife.” natawa naman ako at kinuha ko ang bouquet
“Iniwan mo na naman ang trabaho mo.” inamoy ko ang bulaklak.
Napangiti naman ako. Alam na alam niya talaga ang paborito kong bulaklak huh.
“Para sa asawa ko, handa akong iwan ang lahat.” hinalikan pa niya ang kamay ko.
Namula ako bigla sa hiya dahil maraming mga nurse at pasyente ang pabalik balik tapos ay titingnan kami ng nanunuksong tingin.
“Bolero ka talaga kahit kailan.” natawa ako at hinampas ang braso niya.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
Storie d'amoreArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022