Chapter 21: Walang makakalapit sayo
Dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin pagkababa ko ng kotse. Ibinaba naman ng mga bodyguards ang gamit namin.
“Sweetie, you ok? Kanina ka pa walang imik simula nung bumyahe tayo.” lumapit sa’kin si Mama at hinawakan ang balikat ko.
Ngumiti naman ako sa’kanya ng matamis para hindi na siya mag-alala.
“Ok lang ako, ma. Namimiss ko lang po si Ay-Ay.” totoo naman talaga na namimiss ko na si Ay-Ay kahit ilang oras pa lang kaming magkahiwalay pero hindi yun ang dahilan kung bakit wala akong imik sa buong byahe papunta dito sa Palawan.
Ang totoo niyan, nag-ooverthink na naman kasi ako na baka hindi siya sumunod sa’kin dito. Hindi ko naman kasi natanong kagabi kung susunod ba siya sa’kin dito dahil magdamag kaming nagkulitan kagabi ‘e. At sa byahe ko din napagtanto na baka nung kagabi ay sinulit niya lang na kasama ako kagabi dahil bukas ay hindi na niya ako makikita.
Naiiyak ako kapag naaalala ko yun na baka nga sinulit niya lang na magkasama kami. Baka wala talaga siyang nararamdaman sa’kin ng katulad na nararamdaman ko sa’kanya.
“Oh bakit ka umiiyak? Ganyan mo ba talaga ka-miss ang asawa mo, baby?” natatawang sabi ni Mama.
Pinahiran ko naman ang pisngi ko. Umiiyak na naman ako ng hindi ko namamalayan.
“Opo. Tara na, Ma.” niyaya ko na siya para hindi na siya magtanong.
Pumunta muna kami sa room nila mama na katabi lang namin bago ako pumunta sa nagiging room ko. Mamaya ay darating na ang mga pinsan ko kasama ang ikakasal kaya dapat ay maging maayos ako sa harap nila. Hindi ko muna iisipin ang bumabagabag sa’kin.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay natulog na ako dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Nagising ako sa ingay ng phone ko kaya kahit nakapikit ay kinuha ko iyun at sinagot ng hindi tinitingnan ang caller.
“Hello?” inaantok na sabi ko.
“Hmm, kagigising mo lang?”
Napabalikwas naman ako sa higa ng marinig ko ang boses ni Ay-Ay sa kabilang linya. Tiningnan ko ang caller para makasigurado at si Ay-Ay nga!
“A-Ah... oo.” napakamot ako ng batok ko at napatingin sa sliding window.
Ang dilim na sa labas. Napatingin ako sa relo ko, 6:31 na ng gabi. Hindi man lang ako ginising nila Mama pero hindi talaga nila ako ginising ‘e kapag himbing na himbing ang tulog ko. Pinapabayaan nila lang ako magpahinga.
“Hmm, I miss you.” napangiti ako at napakagat ng labi.
“I miss you, too.”
Napabuntong hininga siya, “Kailangan ko ng ibaba, tumawag lang ako para kamustahin ka. At kumain ka na, ok?”
Napasimangot naman ako ng sasagot na sana ako ay ibinaba na niya ang tawag. Napatulala nalang ako sa phone. Hindi pa nga nag-iisang menuto ang pag-uusap namin ‘e.
Naligo muna ako at nagsuot ng floral dress. Pagkatapos kung mag-ayos ay hinanap ko sila Mama. Pumunta ako sa restaurant dito at napatingin ako sa may maingay na pwesto.
“Sweetie!” pagtawag sa’kin ni mama kaya napalapit ako sa’kanila.
Napangiti naman ako ng makita ko ang mga pinsan at tito’t tita ko. Kumpleto ang kapatid ni papa at ang mga pinsan ko.
“Hi, baby.” bati sa’kin ng kambal, si Kuya Enzo at Kuya Hanz.
“Hello, mga Kuya Insan.” bati ko din at naupo sa tabi ni papa.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomanceArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022