Chapter 2: Dinner
Malapit ng maggabi natapos ang klase namin pero ako ay gabi na nakauwi dahil may mga ibinigay pang lesson sa akin yung mga prof ko para daw makahabol ako sa mga lesson nila 'e alam ko naman ang mga itinuturo nila dahil advanced ang itinuturo noon sa akin ng tutor ko.
“Good evening, Señorita.” bati sa akin ng maid ng makababa ako sa kotse.
Ngumiti naman ako, “Hindi ba nababali yang leeg mo kakayuko?” tanong ko.
“Ho?” napaangat siya ng tingin sa akin.
“Wala, tsk.” nakasimangot na sabi ko.
Ang bibingi nila 'a. Pumasok ako sa bahay at pagkarating ko sa sala ay may mga taong nag uusap. Napalunok ako ng makita ko sila Tito Wayne. Oo nga pala, may dinner kami ngayon at pag-uusapan ang tungkol sa kasal.
“Oh Miracle iha, you’re here.” nakangiting sabi ni mama.
“Hindi po, nasa labas pa po ako ma.”
Natawa sila at lumapit sa akin si mama. Hinalikan niya ang pisngi ko.
“Ihahatid ko muna si Mira sa kwarto niya.”
Humalik muna ako kay papa bago kami umakyat ng kwarto ko. Ibinaba ko ang bag ko sa kama.
“Sweetie, change your clothes.” utos ni mama.
“Ma, alam mo ba yang ipapakasal niyo sa akin ay tinatawag akong germs at siguradong sigurado ba talaga kayo na yung bakla na iyun ang ipapakasal niyo sa akin?” naiinis na sabi ko.
Bakit ba kasi yung bakla na iyun pa ang ipapakasal nila sa akin? Wala namang problema sa akin kung bakla siya, ang ayaw ko lang ay yung napaka sungit niya parang hindi kami magkakasundo na dalawa.
“Miracle, pagpasensyahan mo na yung si Aywayne. Ganun lang talaga yun pero mabait naman. Makikilala mo din siya ng buong buo kapag nasa iisang bahay na kayo.” ngumiti naman si mama.
Napabuntung hininga na lang ako at tumango.
“Atsaka magiging isa din siyang lalaki, antayin mo lang at I am very sure na makakagawa kayo ng baby.” pumalakpak pa si mama.
Napatigil ako sa pag alis ng sapatos ko at napatingin sa kanya.
“Talaga, ma? Makakagawa kami ng baby?” nakangiting tanong ko.
“Yes, sweetie. Maging lalaki lang yang si Aywayne.”
Tinaggal ko ang sapatos ko, “Paano ba ginagawa ang baby, ma? At saan ba yan lumalabas? Paano mo din pala ako inilabas, ma?” sunod sunod na tanong ko.
Natigil si mama at parang hindi siya mapakali. Napakamot naman ako ng ulo sa katahimikan niya.
“Ma, ano? Paano ba ginagawa yang baby? Ikwento mo po, please.” pangungulit ko, “Baka kapag nalaman ko ay makagawa na kami ni Ay-Ay ng baby bago ang kasal.”
Biglang namutla si mama at umiling iling. Lumapit ako sa kanya at inalalayan siya.
“Ma, ayos lang po ba kayo?” nag aalalang tanong ko.
Nanghihina yata si mama. Ano na naman ba kasing nangyari?
“Hindi pa puwedeng mabahidan yang kainosentehan mo!” sigaw bigla ni mama at lumabas.
Gulat naman akong nakatingin lang sa nakasaradong pinto. Ano bang nangyari kay mama? Nagtatanong lang naman ako kanina kung paano ginagawa ang baby 'a.
“Malaman ko lang talaga kung paano ginagawa ang baby ay ako mismo ang mag isang gagawa ng baby.” sabi ko at kinuha ang dress na pink sa kama.
Pagkatapos kung mag bihis at mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko. I’m wearing baby pink dress and flat sandals. Suot ko din ang kwentas na bigay sa akin ni lolo nung bata pa ako. Napakaimportante sa akin ng kwentas na ito dahil ito lang ang nag iisang memory niya na naiwan sa akin. Hindi ko na din tinalian ang buhok ko, nilagyan ko nalang ito ng pink hairpin.
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomanceArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022