Chapter 39: Alaala
Napatingin ako sa pinto ng bumukas at pumasok si Calvin. Ang tagal nilang mag-usap ng kuya niya.
“Hindi ka muna papasok, magpapahinga ka muna sa bahay.” seryosong sabi niya na ikinabigla ko.
Minsan lang siya maging ganito sa’kin, nagiging seryoso siya kapag galit ‘e. Ano kayang pinag usapan nila ni Kuya Noel.
“Pero–” napatigil ako ng magsalita siya.
“No buts. At hindi ka na muna magtatrabaho dito.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“What? Calvin, you know how much I love my career.” inis na sabi ko.
“Yes, I know. At dahil dyan sa pagmamahal mo sa trabaho mo ay mawawala ka naman sa’kin.” natigilan ako sa sinabi niya.
Nangunot naman ang noo ko, “Calvin, sumakit lang ang ulo ko. Hindi pa ako mamatay, at hindi ako mawawala sayo.”
Nagtagis ang bagang niya at ginulo ang buhok niya. Tiningnan niya ako at nandidilim ang mga mata niya kaya napalunok ako.
“Hindi ka na papasok dito bilang isang doctor! That’s final!” sigaw niya at malakas na sinara ang pinto dahilan para mapa-igta ako.
Ano bang nangyayari sa’kanya? Sumakit lang naman ang ulo ko at nahimatay pero ganun na siya. Ano ba kasing pinag usapan nila ni Kuya Noel?
Napabuntong hininga ako at isinukbit ko ang seatbelt sa’kin. Napasandal ako at napatingin sa labas. Iuuwi na kami ngayon ni Calvin sa condo daw niya. Hindi na muna daw kami titira sa mansion nila kaya mas naguguluhan ako ngayon. Napatingin ako sa’kanya ng paandarin na niya ang kotse.
Tahimik lang kaming dalawa sa loob hanggang sa huminto ang kotse sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas naman ako. Pumasok kami sa elevator at nang makarating kami sa condo niya ay pumasok siya sa kwarto niya siguro kaya sumunod naman ako.
Narinig ko ang lagaslas ng tubig kaya alam kong naliligo siya. Napaupo naman ako sa kama at huminga ng malalim. Maya maya pa ay lumabas na din siya sa banyo na nakatapis ng towel sa baba at kumuha ng damit sa closet niya.
“Uhm... hindi ka na ba papasok?” nag-aalangan kong tanong.
Napatigil naman siya at tinuloy ulit ang pagkukuha niya ng damit.
“No, babantayan nalang kita.” seryosong aniya.
Nangunot naman ang noo ko, “Calvin, wala namang mangyayari sa’kin ng masama ‘e. Paano nalang kung hanapin–” napatigil ako ng tumayo siya at tiningnan ako ng galit na tingin kaya napalunok ako.
“Why are you pursuing me to go back to my company? Bakit makikipag kita ka ba sa Aywayne na iyun?” nagtagis ang bagang niya at nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
“What?! Ano bang pinagsasabi mo?!” sigaw ko sa’kanya at napatayo ako.
“Tama ako diba, makikipagkita ka sa lalakeng yun?!” hinawakan niya ng madiin ang braso ko kaya napangiwi ako.
“Bakit ano bang ikinagagalit mo kung makikipag kita ako sa’kanya?! Natatakot ka ba na malaman ko talaga ang totoo ba?!” hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sabihin iyun basta ang alam ko lang ay kailangan kong malaman ang totoo.
“Ano nang sinabi niya sayo ha?! Na asawa mo siya! That’s fucking a lie! Ako ang asawa mo, hindi siya! Hindi pa ba sapat ang mga ikweninto ko sayo noon na ako talaga ang totoo mong asawa! Hindi ang lalakeng iyun!” galit niyang sigaw, “At paano ka niya magiging asawa ‘e bakla siya!”
YOU ARE READING
My Husband is Gay
RomanceArranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa lalakeng bakla. Ano kayang mangyayari sa pagsasama nila? Let's see:> Date started: November 5, 2021 Date finished: January 22, 2022