Chapter 13

2.3K 106 7
                                    

Chapter 13: Nagbabago

“Oh may maid na tayo?” gulat kung tanong kay Ay-Ay nang may lumabas sa mansion at kinuha ang mga bitbit namin.

“Yeah. Magiging busy ako ngayong darating na araw kaya binigyan na tayo nila mama ng maid.” sabi niya habang may pinipindot pindot sa phone niya.

Lumapit naman ako sa’kanya at sinilip kung anong ginagawa niya sa phone niya pero tiningnan niya ako ng nakataas ang kilay at nauna ng pumasok. Napanguso nalang ako at sumunod sa’kanya.

Naupo ako sa sofa sa sobrang pagod habang si Ay-Ay naman ay pumunta sa library. Baka magbabasa ng meaning ng bakla, dijoke.

Napatingin naman ako sa isang maid ng inilapag niya ang tray sa may table. Ngumiti naman ako sa’kanya pero napasimangot ng yumuko siya.

“Mag meryenda po muna kayo, Señorita.” malumanay na sabi niya.

“Busog pa ako ‘e, kumain kasi kami sa labas.”

Hindi pa talaga ako ngayon nagugutom. Kasalanan talaga ito ni Danreb ‘e. Oo, masiba din ako pero hindi naman ganun ako ka sobrang takaw ni Danreb. Kulang nalang a dalhin ang restaurant sa bahay nila ‘e.

Speaking of Danreb, naalala ko naman yung sinabi ni Ay-Ay kanina. Bakit kaya walang tiwala siya kay Danreb? Mabait naman ang bestfriend kung yun ‘e pero siya na hindi pa kilalang kilala ay grabi naman maka judge. Siguro ganun talaga si Ay-Ay, hindi siya ganun kadaling magtiwala sa mga tao.

“Ganun po ba? Gusto nito po bang–” napatigil naman siya sa pagsasalita ng magsalita ako.

“No. No. Kakainin ko yan. Dito ka muna, kwentuhan tayo.” tinapik ko ang sofa.

Napaangat naman siya ng tingin at gulat na tumingin sa’kin.

“Po? E may gagawin pa po ako.” napakamot siya ng ulo na parang nahihiya.

Napabungisngis naman ako at hinila siya paupo na ikinagulat niya.

“Anong pangalan mo?”

“Ha?”

Napasimangot naman ako, “Ha yung pangalan mo? Ano yang magulang mo, dalawang letra lang ang binigay sayong name.”

Matagal siyang natulala sa’kin bago yumuko. Ang cute naman niya. May pag ka brown ang balat niya at ganun din ang buhok niya.

“K-Karina po ang pangalan ko, Señorita. Hindi ha.”

Napatango tango naman ako at magsasalita na sana ng biglang sumingit si Ay-Ay na kakalabas lang sa library.

“Huwag mo nga yang takutin.” masungit na aniya.

“Bakit naman siya matatakot? Aswang ba ako?” tumingin ako kay Karina pero napanganga ako ng wala na siya sa tabi ko.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala na siya. Ang bilis naman mawala ng babaeng yun ‘a. Naalis lang ang atensyon ko sa’kanya ay bigla nalang nawala.

“Oo, mukha kang si Corazon.” napatingin ako kay Ay-Ay.

“Sinong Corazon? Kabit mo yun noe?” tumaas ang kilay ko.

Napanganga siya sa sinabi ko at kumunot ang noo. Sabi na may kabit ‘to ‘e.

“Wala akong kabit.” tinarayan naman niya ako.

Tumayo ako at lumapit sa’kanya. Sinundot ko ang tagiliran niya na nag patalon sa’kanya.

“Ano ba?!” namumula na siya.

“Aminin mo, kabit mo yung Corazon na yun noe? Aminin mo na, wala naman akong gagawin sa kabit mo.” sinundot ko pa ang tagiliran niya.

Actually, may gagawin talaga ako sa kabit niya kapag nalaman ko kung anong itsura at kung saan nakatira ang Corazon na yun. Ang kapal naman niyang maging kabit noe. May asawa na yung tao tapos makikikabit pa siya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now