15

8.4K 318 66
                                    

CALLISTA'S P.O.V

"Wow grabe, panibagong araw, panibagong pagpapakatanga na naman yan tol ah" kantyaw sa akin ni Kris matapos nitong ihinto ang kanyang sasakyan sa harap ko.

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin lumayas ka na lang sa harapan ko." inis na taboy ko rito. Kasalukuyan kasi akong nakatayo sa may entrance ng Academy at hinihintay nga ang pagdating ni Adrianna habang bitbit ang iced coffee na binili ko sa starbucks, langya nagmukha pa akong tanga dun sa harap ng barista, tinanong ba naman kung anong size, large yung nasagot ko ampota. Bumili rin ako ng isang stem ng sunflower. Napansin ko kasing tuwang tuwa ito kapag inaabutan ni Bimby ng kape kaya naman nagbabaka sakali akong tanggapin niya rin ito.

"Init naman ng ulo mo paps! Una na ako sayo ha! Kita tayo sa loob!" paalam nito habang umiiling iling pa at pinaandar na ang kanyang sasakyan papunta sa parking lot.

"Kuya sigurado kang di pa dumadating si babes ha!" panigurado ko sa guard na ikinatawa naman nito.

Tahimik lang akong nakatayo sa may entrance ng may kung sinong umakbay sa akin. Nang lingunin ko ito ay ang pangit ma mukha ni Bimby ang bumungad sa akin, kasunod ng mga pangit din nyang kaibigan na mapang asar naman akong tinitignan.

"Hanep Casanova naka starbucks ka na ngayon ah?" mapang-asar na sabi nito habang itinuturo ang hawak ko.

"Baka dala niya yan para sa chick mo bro." singit ng isa sa mga kasama nito dahilan upang magtawanan silang lahat.

"Grabe ang tigas din talaga ng mukha mo noh? Isipin mo naman, si Adrianna pa talaga ang inaasam asam mo. Do you think she will like a fucking poor gay like you? Do you think she will choose you over me? Ha!?" nanggigigil na saad nito, ramdam ko naman ang pag kawit sa leeg ko ng braso niyang nakaakbay sa akin.

"Putangina ka bitawan mo!" pagpiglas ko, pinipilit kong kumawala mula rito dahil nakakaramdam na ako ng pagkasakal ngunit lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkapit sa akin.

"Let me warn you Casanova, one more time na makita kitang lumalapit kay Adrianna, I will fucking beat you until you lose consciousness." pabulong na pagbabanta nito sa akin at unti unti ng niluwagan ang pagkakaakbay sa akin, I was so busy catching my breath ng bigla na lang hinablot sa kamay ko ni Miguel and kapeng kanina ko pa hawak hawak at isinaboy sa aking mukha.

Gulat na gulat ko itong tinignan at nakita ko kung paano sila magtawanan sa ginawa niyang iyon.

"Magpalamig ka muna Casanova, para naman magising gising ka na sa katotohanan." muling saad nito at nginisian pa ako ng mapang-asar at tumalikod na papalayo sa kinaroroonan ko.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko  ngunit nakita ko na lang ang sarili ko na pasugod rito. Marahas kong hinila paharap sa akin ang balikat nito at mabilis na binigyan ito ng isang malakas na suntok sa mukha, I was about to punch him again ngunit mabilis na nahawakan ng mga kasama nito ang magkabilang kamay ko.

"Putangina bitawan niyo ko! Ano Bimby? Matapang ka lang kasi may mga pangit kang kasama? 1 on 1 tayong putangina ka!" piglas ko sa pagkakahawak sa akin at walang takot na hamon ko rito.

"Tangina mo bakla ka ba? Bat kailangan mo pa ng mga sidekick ha!?" dugtong ko, ngumisi lang naman ito at agad na sinugod ako at pinagsusuntok.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito ay parang wala lang ang mga suntok na ibinabato nito sa akin. I was too focused to break free from his friends kaya naman ng biglang mapabitaw ang isa sa mga ito sa pagkakahawak sa akin ay agad kong tinulak ang mga ito at kumawala sa kanila. I launched at Miguel dahilan upang bumagsak ito sa lupa. Agad akong pumaibabaw rito at sinapak siya sa mukha. I was about to hold his collar para sana mabigyan pa ito ng isang malakas na suntok ng may marahas na humila sa damit ko mula sa likod.

Pilit kong tinitignan kung sino ito, I was panicking kasi baka isa na naman ito sa mga kaibigan ni Miguel but I was wrong, the next thing I knew is I was harshly thrown to the ground by Adrianna, then everything around me became blur.

Tanging si Adrianna lang ang nakikita ko, kung paano ito madaling madaling lumapit sa nakahigang si Miguel, kung paano niya ito inalalayang tumayo, kung paano niya ako tinitigan ng punong puno ng galit when Miguel say something to her, I can only see how her face soften when she caressed his face, na bakas na bakas ang pag-aalala.

Nabalik lang ako sa realidad ng may mga nagmamadaling guard na dumaan sa magkabilang gilid ko papunta sa kinaroroonan ni Adrianna. I saw her instruct them with something, at agad naman nilang inalalayan si Miguel papunta sa kung saan.

I was struggling standing up dahil ngayon ko lang maramdaman ang sakit mula sa aking abdomen part, but thank God I was able to manage.

Nang makatayo na ako at matapos magpagpag ay agad kong naramdaman na may papalapit sa akin, at ng tignan ay ang galit na galit na mukha ang bumungad sa akin.

"B-bab—" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng ang malakas na sampal nito ang bumungad sa akin. The slap hurts like hell compared to the punches given by Miguel, gulat na napatingin ako rito habang hawak hawak ang pisngi na nilapatan ng kanyang mga palad.

"What the fuck is wrong with you ha Casanova?!" she shouted at me angrily habang malakas na itinulak ako sa dibdib.

"Threatening Miguel? and starting a fight?" she continued while still angrily shoving me dahilan upang mapaatras ako sa bawat pagtulak niya.

Pero ano daw? I threatened who? Me? I started the fight? Tanginang Bimby to nakagawa agad ng kwento ang puta.

"When will you stop doing this to me ha!?" I was about to speak to defend myself but she shouted again, na nakakuha naman ng atensyon mula sa mga estudyanteng napapadaan.

"I am so done with your stupid antics Casanova! I am so tired of you annoying the shit out of me every freaking day!!! Dont you get that?!" dugtong pa nito. Habang ako ay napako lamang sa aking kinakatayuan. I was too stunned to react or even say a word.

"Imagine how embarrassed I am every time that you come near me with your stupid love confessions, or the scene that you always make! We are both girls for fuck's sake!" dugtong pa nito ng hindi ako magsalita. Bakas ang pandidiri sa boses nito.

"And now, si Miguel naman ang pinagiinitan mo? When will you accept the fact that I will never like you? That there is a zero freaking chance that you and I will miraculously end up together? Wake up Casanova! I am way way out of your league!" she shouted and shoved me one last time until I felt something in my back. Napasandal na pala ako sa isang pader.

I didnt attempt to say something anymore because I can feel a lump in my throat. With all the things that she had said, I can feel and hear my heart breaking and shattering into pieces. The anger in her eyes and in her voice broke my heart, that I can feel myself suffocating. Hindi ko kayang nakikita siyang galit, at kinamumuhian ako.

"Stay away from me and Miguel, Casanova. Or else I will do everything in my power to make sure that you will be permanently removed from the Academy." she warned me and hastily leave me here, heart broken and scared to death ng maalala ang scholarship ko. And the fight that happened can be a way for me to lose the grant.

Hindi ko mapigilang hindi mapaluha ng maisip kung gaano naging ka-unfair si Adrianna. She didnt even let me speak or explain myself. She didnt even bother to know what really happened and quickly believed what that Ocampo had said. And she was quick to hate me and said those hurtful words just because she was mad of what I had done to Miguel that she witnessed.

— — — — —
Hi!!! Im sorry for updating the story inconsistently 🥺👉🏻👈🏻

ANYWAYSSSS HINDI NYO KAYA MAY BOOK COVER NA YUNG STORY, I WAS ABLE TO CHANGE NA YUNG PREV BOOK COVER KO NA GINAWA KO LANG USING THE IG STORY 😂

ALL THANKS TO @Rushiminda 🥺💗THANK YOU!!!! LIKE SUPER MADAMING THANKKKSSSSSS 💗💗💗

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon