4

7.4K 303 88
                                    

Callista's P.O.V

Alas tres pa lamang ay gising na ako at si mama. Abala na kami sa paghahanda para sa mga almusal na ibebenta nya ngayong umaga. Habang ako ang taga-hiwa ng mga sahog ay sya naman ang mismong taga-luto.

"Ma matatapos na ako rito asan na ang pamalengke" sabi ko rito at nagmadaling maghugas ng kamay.

"Andiyan sa sala, kasama na dyan ang listahan. Nasa labas na ata si Banjo dalian mo na." sigaw nito mula sa aming lutuan sa likod bahay.

-
"Tol!" bati ko sa kaibigan kong si Banjo na dala dala  ang pampasadang tricycle ng kanyang ama.

"Dalian mo boi at marami ring pinabibili sakin si Inang!" tawag sakin nito kaya naman dali dali na akong sumakay sa tricycle nya.

Matalik na kaibigan ni Mama ang Inang nya, kaya naman lumaki rin kaming magkaibigan ni Banjo, may tindahan rin sila kaya naman isinasabay na ako nito kapag namimili.

-
Matapos ang aking pamamalengke sa umaga para sa mga ititinda ni Mama sa buong maghapon ay tutulong ako ulet para sa pag-gagayak ng mga sahog na gagamitin nya sa pagluluto, ibinababad ko na rin sa timpla ang mga ihawin, at ang bunsong kapatid ko naman ang bahalang mag tuhog rito mamaya bago ito pumasok.

Ganito ang routine ko kada araw, matapos ang mga gawaing bahay ay gagayak na ako para sa aking pagpasok, mag-aalmusal at maghahanda ng aking babaunin at lalarga na papunta sa aking paaralan.

Isang sakay lang ng jeep ang layo ng bahay namin papunta sa Academy, kaya naman maski papano ay nakakatipid ako. Sa 100 na baon ko kada araw ay halos 50 lamang ang nagagastos ko habang ang tira naman ay iniipon ko para sa mga proyekto at mga bayarin.

Habang nasa biyahe ay di ko mapigilang hindi antukin kaya naman pinili ko na lamang matulog. Nakapag sabi naman na ako sa driver kung saan ako bababa.

-

Nang makababa ako sa jeep ay hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang itim na sasakyan ni Adrianna na kakahinto lang din sa tapat ng gate ng Academy. Dali dali akong tumakbo papalapit rito at pinigilan ang driver nya sa pagbaba rito.

"Boss ako na" kindat ko rito. Nakita ko naman ang paglapad ng ngiti nito at napailing. Dali dali naman akong lumipat patungo sa pinto ni Adrianna at ngumiti ng pagkalapad lapad.

"Babes! Good morning! Kamusta nam— OUCH" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marahas nitong itinulak ang pinto ng sasakyan na hawak ko.

Gago tumama sa sikmura ko.

"Oh God Casanova can you stop pestering me! Its too early pa in the morning!" padabog na baba nito at naglakad na patungo sa gate.

"Hehe boss! Salamat! Ingat ka!" alangang ngiti ko sa driver nito at sinara na ang pinto ng sasakyan sabay saludo rito.

Nang makaandar ang sasakyan ay hinabol ko na si Adrianna.

"Eto naman si Babes too early pa in the morning ang sungit sungit na" sabi ko rito ng makahabol ako sakanya at sinabayan na sya sa paglalakad.

She just rolled her eyes at my remark mocking her sa pagiging conyo and walks faster para hindi kami magkasabay.

"Joke lang kase babes! Teka naman!" binilisan ko na rin ang lakad ko.

Nakarating kami sa locker area. Tumayo ako sa katabing locker ng makitang inaayos na nito ang mga librong kakailanganin nya para sa araw na ito.

"Can you please stop following me Casanova" she calmly asked me habang abala pa rin sa pagaayos ng gamit nya.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon