41

11.1K 327 70
                                    

Callista's P.O.V

"I told you that you dont need to make sundo na!" bahagya naman akong napatawa ng makita ang reaksyon ni Adrianna ng mapansin ang aking presensya sa loob ng gym ng matapos na ang kanilang practice. I was silently watching her mula dito sa bench, she was so focused on instructing and teaching her squad kaya naman kahit magkakalahating oras na ako ay hindi niya pa rin ako napansin. She's walking towards me while stomping her feet kaya naman tumayo na ako at inilahad ang aking mga kamay and welcomed her with a hug ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Hi Mahal.." bati ko rito ngunit kurot lamang sa tagiliran ang iginanti niya sa akin.

"You should have rested na lang! I told you naman that I would go straight sa house niyo once my practice is over!" sambit nito at inis na kinuha ang inabot ko sa kanyang water. Hinanap ko rin kung nasaan ang gymbag niya at agad na kinuha ang towel niya para mapunasan ang kanyang pawis.

"Eh excited na nga akong makita ka mahal kaya di ko na natiis. Tsaka gusto ko ding manuod ng practice mo syempre! Pa-kiss nga" paliwanag ko rito at ngumuso pa ngunit ibinato lamang nito ang twalyang ginamit sa aking mukha.

"Ang pangit mo. Why dont you ask a kiss from Amanda? If I know you just want to see her that's why you're so eager to watch our practice even though I told you to stop!" galit itong humarap sa akin at nakipagtagisan pa ng tingin. Lord bakit ang cute cute niya!?!?

"Mahal naman ang tagal tagal na non! Tsaka ilang beses ko bang uulitin na wala lang yun? Kaya pwede bang kalimutan mo na—"

"How can I forget that, when you clearly cheated on me!" inis na sambit nito sa akin at naglakad na patungo sa shower room ng gym.

"H-ha!? Anong cheat ka jan!? Paano naman naging cheating yon kung hindi naman tayo!" habol ko rito at humarang sa kanyang unahan.

"Whatever. You still cheated! You dont go walking around the campus claiming that you like me then go kissing another girl at a party!" natawa naman ako ng marinig ang sinabi niya. Nang mapilit niya kasi akong magkwento noong nakaraan about sa kung paano ako natutong humalik ay wala na nga akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang lahat.

Naikwento ko sa kanya kung paano kami napunta sa ganoong sitwasyon ni Amanda. Nasa party kami noon ng isa sa mga schoolmates namin, the party was held and hosted secretly dahil underage pa kami. Pero dahil mayayaman naman ang mga ito ay naexecute nila ng maayos ang paghahanap ng place pati na rin ang pagpuslit ng alak ng hindi nalalaman ng magulang nila.

We were playing spin the bottle at saktong sa aming dalawa ni Amanda tumutok ang magkabilang dulo ng bote. At dahil mga lasing na ang halos lahat sa amin ay daring na ang mga dare. Amanda and I were dared to stay in their stockroom for 10 minutes to make out.

Hindi ko plinanong sundin ang dare nila that time lalong lalo na at kakakilala ko pa lang noom kay Amanda. Hindi ko rin alam kung ano ang sexuality niya. Balak ko lang sanang mag stay sa loob na yun hanggang matapos ang time but Amanda insisted to try and makeout. We were both drunk, kaya kahit na wala pa naman akong experience sa mga ganoong bagay ay ginawa ko pa rin. I remembered how Amanda laughed dahil sa kung paano ko siya halikan, so she took the initiative and guided me to properly kiss her back.

"Ayan. Di ka na nakakahiya kapag nakipag makeout ka na sa iba" sambit niya pa noon ng makalabas na kami sa stockroom. Natawa na lang ako sa kanya at nagpasalamat. The whole experience was so wholesome na hindi kami nagkailangan ni Amanda after, ito pa nga ang naging dahilan kung bakit kami naging magkaibigan ngayon.

Nang matapos nga ang aking kwento ay akala ko ay abswelto na ako kay Adrianna dahil naipaliwanag ko na naman na wala talagang malisya ang pangyayaring iyon at hindi na talaga naulit. I assured her din na friends lang talaga kami ni Amanda kaya hindi na siya kailangang magalit o magalala pa.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon