24

13.2K 401 91
                                    

Callista's P.O.V

"Callista tol! Bilisan mo naman jan napaka tagal ha! Mauuna na kami!" rinig kong sigaw ni Kristine mula sa labas ng cubicle na kinaroroonan ko.

"Osige! Sunod ako agad!" tugon ko rito at nagsimula ng magbihis. Kanya kanya namang paalam ang mga ito at ng marinig ko na nga ang mga papalayo nilang mga yabag ay mas binilisan ko na ang pagkilos.

Ngayon kasi ang Pep Rally para sa nalalapit na pagsisimula ng 'The League', ewan ko kung minimalist ang nag isip ng name na yan o sadyang tamad lang talaga sya pero yan talaga ang pangalan ng inter-school league na kinabibilangan ng Blanc Academy.

At pinakaka abangang event nga ng mga mag-aaral ng Blanc Academy ang Pep Rally, kung saan ipinapakilala ang bawat team at ang mga miyembro nito na lalaban sa The League, this event is held to show the support of the whole Blanc Academy's community sa mga player to boost their confidence and morale, at hindi naman sa pagmamayabang ay ang Academy ata namin ang may pinaka maraming championship wins sa iba't ibang sports, that the whole community takes pride in.

At kasalukuyan na ngang late ang Women's Basketball Team ng pagdating dito sa gym ng Academy dahil humirit pa ng 10 laps ng jog itong si coach sa field bago magsimula ang event, etong si coach hindi talaga papayag na di kami nagdudusa eh. Kaya naman aligaga ang buong team dahil ilang minuto na lang yata ay magsisimula na ang opening ceremony, rinig na nga ang dagundong ng Pep Band at ang pag sigaw ng Academy's chant ng mga estudyante mula rito sa locker room.

Nang matapos na ako ay agad na akong lumabas ng cubicle, at habang abala sa pag-aayos ng aking mga gamit at damit ay biglang marahas na bumukas ang pintuan ng locker room kaya naman agad na itinaas ko ang aking tingin para malaman kung sino ang taong ito at bigla naman akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ang ang napaka gandang si Adrianna habang suot suot ang kanyang cheering uniform.

"Are you done checking me out?" masungit na tanong nito sa akin as she crossed her arms.

"H-huh?"

"I said are you done checking me out, Callista?"

"C-checking you out? H-ha? H-hindi ah!" agad naman akong nagpanic ng magrehistro sa akin ang kanyang sinabi kaya naman agad ko itong tinanggi. Mamaya at sampalin na naman ako nito eh.

"Hindi?"

Napatikhim naman ako ng titigan niya ako sa mga mata na para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo, agad naman akong nakaramdam ng hiya at napaiwas ng tingin dahil nahuli niya akong pinagmamasdan ang kabuuan niya. Eh bakit ba! Alam naman niya na kahinaan ko siya eh! Lalo na kapag nakapang cheer uniform siya!

"A-ah una na ako ha—" paalam ko rito at maglalakd na sana palabas ng locker room ng bigla nitong isara ang pinto sa likod nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Napalunok na naman akong muli ng marinig ko ang pag-lock nito.

"M-may kasalanan b-ba a-ako?" hindi ko mapigilang mautal ng tanungin ko iyon sa kanya. Hindi ko kasi mabasa ang emosyon sa magandang mukha nito, at hindi ko rin alam kung bakit ba siya nandito. AT BAKIT NIYA NAMAN BIGLANG NI-LOCK ANG DOOR?!?!

"We need to talk." yun lang ang sinabi nito ngunit bigla ng nagtayuan ang mga balahibo ko.

"N-ngayon n-na?" nagtatakang tanong ko rito, at napatingin sa wristwatch ko. Ilang minuto na lang ang magsisimula na talaga ang event. Napahakbang naman ako ng paatras ng bigla itong maglakad papalapit sa akin.

"Stop." sambit nito kaya naman dinoble ko ang aking hakbang paatras.

"Callista isa!" she hissed that made me stop from stepping back. Ngayon lang nagka emosyon ang magandang mukha nito, at kapag minamalas nga naman ako ay inis pa nga ang rumehistro rito.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon