40 - Part 3 of 3

9.7K 334 53
                                    

Callista's P.O.V

"H-huh?" maang na tanong ko rito ng mapakalma ko na ang aking sarili matapos niya akong tanungin kung sino ang nagturo sa aking humalik.

"Who taught you how to kiss, Casanova? And dont make me repeat myself again" tanong nitong muli at inilayo na ang kanyang sarili mula sa pagkakayakap sa akin.

"Wala akong naririnig" patay malisya ko at umakto pang nagkukutkot ng tenga upang iwasan ang nakakatakot na tingin na binibigay niya sa akin.

"ARAY NAMAN!!" hiyaw ko ng bigla ako nitong hinila sa tenga dahilan upang mapaluhod na naman ako sa kanyang harapan.

"Stop acting cute and answer my question because you're starting to annoy me na, Casanova"

"Anong acting cute ka jan natural yan mahal. Tsaka ikaw ang cute. Pakiss pa nga ulit" sambit ko dito at ngumuso pa para sana humirit pa ng isang halik ngunit palad na nito ang sumalubong sa aking labi at bahagya pa akong itinulak papalayo. I saw how she rolled her eyes and crossed her arms in annoyance kaya naman bahagya akong napatawa.

Tignan mo tong babyloves so sweet ko, ayaw ata ng kalmadong relasyon. Kakasagot lang sa akin ay nakapag-hanap na agad ng pagaawayan.

"Why the hell cant you answer a simple question!?" naiinis na tanong nito sa akin kaya naman bigla na namang bumalik ang pagtibok ng mabilis ng osup ko.

"Eh k-kasi naman mahal! H-hindi naman ako tinuruan. In born yung skills na yun" maang ko rito na ginantihan lamang niya ng ismid.

"Liar."

"L-liar ka jan!? Oh bat ikaw, sinong nagturo sayo paano ang humalik? Si bimby ba?"

"Eww no! Miggy and I havent kissed pa noh!"

"Nye nye nye Miggy panget" inis na sambit ko ng marinig ang pagtawag nito kay Bimby gamit ang endearment niya. Miggy Miggy pa, pwe! Ano yun Miggy Mouse? Doding daga kamo!

"Whatever. You werent able to answer my question yet Casanova"

"Oh tignan mo, pag si Bimby, may pa Miggy Miggy ka pa. Tapos pag ako Casanova lang!? Casanova ka ng Casanova jan, baket teacher ba kita ha? Bat last name basis tayo dito?" reklamo ko rito.

"Sus. Sino ba naman ako para tawagin with endearment diba? Si Callista Casanova lang naman ako. Di naman masakit Miss Adrianna Blanc, hindi talaga. Para lang akong kinagat ng dinosaur!" dugtong ko pa sa pagmamaktol ko. Hay nako bagwa talaga tong Miguel na to eh. Simula ng marinig ko ang pangalan ng hayop bigla na lang nasira ang mood ko ampota. Isa pa tong si babyloves so sweet ko eh! Sa lahat ng babylove so sweet siya ang walang ka sweet sweet sa katawan at puro na lang sama ng loob ampota. Kagabi nung lasing siya pa "Lab" "Lab" pa siyang nalalaman! Neknek! Tas magagalit nung di ako naniwala sa sinabi niya! Eh hindi niya nga ata maalala na tinawag niya ako nun eh!

"Stop whining! Ang panget mo!" napatigil ako sa pagrereklamo sa aking utak ng marinig ko ang sinabi ni Adrianna at maramdaman ang paghampas nito sa aking balikat.

"Weh, anong pangit? Eh sinagot mo nga ako kahit hindi naman ako nagtatanong!" singhal ko dito na ikinalaki ng kanyang mga mata. Kaya naman natutop ko na lang ang aking mga bibig. Tangina ka. Pasmado talaga tong bibig ko na to eh.

"What the fuck did you just said!?" inis na tanong nito sa akin kaya naman agad ko itong yinakap.

"J-joke lang mahal eh. Eto naman nagagalit agad" sambit ko rito habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa kanya dahil pinipilit nitong kumawala.

"Whatever. Stop avoiding the question and answer me. For the last time Casanova, who taught you how to kiss?" pagpipilit pa rin nitong tanong kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"B-bakit ba bigla mo pang naisip yun mahal" tanong ko rito at nag-iwas ng tingin.

"Im just curious. Nothing else." kibit balikat nito.

"Weh? Di magagalit?"

"It depends"

"Oh tignan mo! Duda ako sa ganyan! Tsaka mahal bat naman kasi ganyan ang mga tanungan mo. Bakit di mo na lang ako tinanong kung anong gusto ko. Away ba o gulo ganon. Kase dun din naman tayo mapupunta kung sasagutin ko yang tanong mo eh!" sabi ko rito at tumayo na mula sa pagkakaluhod sa harap nito at umupo na sa tabi niya. Alam kong luluhudan, dadasalan, at pagsisilbihan tong si Adrianna mylabs pero nangangalay na talaga ako. Mukhang matagal tagal pang paliwanagan ito kaya naman hahanap na ako ng komportableng pwesto. Hehehe.

"What if I punch you straight in your face!? Stop stalling and give me an answer na!" napipikon na nitong tugon kaya naman natawa na lang ako. Hindi niya ba talaga tatantanan ang tanong na iyon.

"Do I know her kaya you cant answer me!?"

Agad naman akong napaiwas ng tingin ng sabihin niya iyon.

"I do know her, I see.."

"H-ha? Gagi di mo yun kilala! Di yun taga Blanc Academy promise! Hindi siya STEM student! Hindi yun member ng cheering squad! Hindi mo tal—"

"WHAT THE FUCK!? DONT TELL ME ITS AMANDA!?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na itong sumigaw. Agad ko namang natutop ang aking bibig ng marealize kung ano ang mga sinabi ko dahil sa sobrang pagpapanic. TANGINA TALAGANG BUNGANGA NAPAKA PASMADO!!

Lord, gusto ko na pong humimlay!!!

— — —

This one is short since parang additional scene lang siya from earlier's update 😅. Changed the Chapter number na din since all of these scenes happened the same day with Chapter 40's event.

Enjoy <3

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon