54

8.7K 323 30
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

"Blanc, Adrianna Andragna. Valedictorian" dumagundong ang palakpakan sa convention hall ng Blanc Academy ng tawagin ang pangalan ni Adrianna. 

She smiled widely at her mom, na tinugunan lamang nito ng ngiti at marahang pagtapik sa kanyang likuran bago sila nagsimulang maglakad paakyat ng stage. Mas lalong lumawak ang ngiti nito ng makita ang proud na proud na ama na nasa stage, habang hawak hawak ang kanyang medalya. Bilang presidente at founder ng Blanc Academy, ito ay isa sa mga kumakamay ay nagbibigay ng mga parangal, medalya at diploma sa mga nagsipagtapos.

"Congratulations Miss, Blanc"  bati sa kanya ng kanilang principal na siyang may hawak ng kanyang diploma bago makipagkamay.

"Complimenti bambina"  bati ng kanyang ama ng makalapit na siya rito. She smiled widely at her dad bago isabit sa kanya ang kanyang medalya.

"Sono così orgoglioso di te amore mio" sambit nito habang ginagawaran siya ng halik sa kanyang magkabilang pisngi.

"Grazie papà" sagot nito at humarap na sa kamera sa kanilang harap.

"Nice one Baby!"

"Girlfriend ko yan!"

"I love you Idol!"

Natuon ang atensyon ng lahat sa kanyang kasintahan na kasalukuyang nasa baba ng stage at pumapalakpak at humihiyaw na tila ba nanonood lamang ng liga sa barangay. Napuno ng tawanan at palakpakan ang buong hall, habang ang mga panauhing pandangal naman na nasa entablado ay napailing na lamang.

Adrianna rolled her eyes at her girlfriend's antics, but werent able to contain her giggles kaya naman sabay sabay na nag 'Yieeeee' kanilang mga kamag-aral dahilan upang sabay na pamulahan ng pisngi ang magkasintahan.

"Tarantado ka talagang bata ka! Pag yang diploma binawi ng inyong principal tatawanan talaga kita!" napadaing sa sakit si Callista ng bigla na lamang siyang hambalusin ng ina.

"Casanova, Callista Fabroa, graduate and athletic awardee." hindi na ito nakahirit pa sa ginawang pananakit ng ina ng tawagin na ang kanyang pangalan. Agad siyang yumakap sa kanyang ina habang naluluha luha pa ang mata bago nagtungo sa stage.

"Congratulations" bati sa kanya ng kanilang principal, bakas ang pagsasaway nito sa kanyang ginawang pag-iingay kanina kaya naman nahihiyang humingi ito ng paumanhin habang nakikipag-kamay rito.

"Congratulation hija, to you too" bati ni Mr.Blanc sa kanya pati na rin sa kanyang ina bago nito inabot ang kanyang medalya para ito ang magsuot sa kanya.

Agad na namuo ang luha sa mga mata ni Callista ng makitang naluluhang ikinakabit sa kanya ng kanyang ina ang kanyang medalya.

"Graduate na ako Ma" pabulong na sambit nito sa kanyang ina ng yakapin siya nito.

"Onti na lang at matutupad ko na ang mga pangarap ko. Para sa iyo ang lahat ng ito"  dugtong pa nito na lalo lamang nagpa-iyak sa kanyang ina kaya naman natatawa niya itong pinatahan bago humarap sa kanilang unahan at nagpakuha ng litrato. Agad itong humalik sa pisngi ng ina bago pa mag-flash ang camera kaya naman natatawa siya nitong hinampas sa braso bago magsimulang maglakad pababa ng stage.

"Mahal!" excited na impit nito ng makitang naghihintay sa baba ng stage si Adrianna, inalalayan muna niya nag kanyang ina patungo sa daan pabalik sa ikinauupuan nito bago sinunggaban ng yakap ang kasintahan.

"Congratulations Mahal! Sobrang proud ko sayo!" sambit nito ng maghiwalay na sila sa pagkakayakap.

"Congratulations too, my love. I am so proud of you too" sagot nito sa kanya bago siya nito gawaran ng halik sa labi.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon