49

8.6K 363 204
                                    

Callista's P.O.V

"Callista kayo ba ni Adrianna ay nagsisigawan kagabi?" bungad na tanong sa akin ni Mama pagkababa na pagkababa ko pa lamang ng hagdan. HIndi ako sumagot rito at nagpakawala lamang ng buntong hininga.

Alas kwatro na ng madaling araw at maski isang minutong tulog ay wala pa ako. Kinakain ako ng aking konsensya kaya kahit na pag pikit ay hindi ko magawa.

Adrianna's crying face keeps flashing on my mind, and my heart breaks into million pieces every freaking time. Ilang minuto matapos kong marinig ang papalayong tunog ng kanyang sasakyan ay tsaka ko lamang napagtanto kung gaano kamali ang ginawa ko. Kung gaano kamali na sakanya ko naibuntong ang frustration na nararamdaman ko mula sa kaganapan sa pagitan namin ng Vincent na yon.

"Tsaka punyeta kang bata ka! Saan ka ba nagsusuot kahapon ha!? Alalang alala sayo si Adrianna! Bigla ka na lang daw nawala sa paaralan ninyo! Hindi ka man lang daw nagsabi kung saan ka pumunta at kung anong gagawin mo! Halos magpatawag na ng pulis yung tao dahil pati daw ang cellphone mo ay inwan mo! Tsaka-- aba bakit ka naman umiiyak?" hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako at agad na yumakap kay Mama. Napasinghap pa ito ngunit agad din akong inalo at yinakap pabalik.

"Maaaa" tawag ko rito habang patuloy pa din ang pag-iyak.

"Callista ke-aga aga ha! Bakit ka ba umiiyak na siraulo ka!? Ang uhog mo ramdam ko na sa damit ko!" palo nito sa akin at buong lakas akong inihiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya. Ramdam ko ang pagpunas nito sa mga luhang kumakawala sa aking mata kasabay ng pagpapatahan sa akin.

"Ma, nasaktan ko ata si Adrianna.." mahinang sambit ko rito habnag humihikbi hikbi pa.

"ANO!?" nagitla ako sa ginawa nitong pag-iyak kaya naman agad akong napadilat, bumungad sa akin ang galit na mukha nito.

"PUNYETA KA ANONG GINAWA MO KAY ADRIANNA!?" galit na tanong nito sa akin habang nakapamewang na humakbang papalapit sa akin kaya naman wala sa sarili akong napaatras.

"SUMAGOT KA CALLISTA AT MALILINTIKAN KA TALAGA SA AKIN ISA!" agad kong itinaas ang aking kamay upang gawing pangsalag ng ipinangduro sa akin ni mama ang tangkay ng walis tambong hawak hawak niya.

"M-ma masakit yan!"

"Talagang masakit to dahil babaliin ko to sayo! Sa pangit mong yan, ikaw pa ang may karapatang manakit kay Adrianna!?" agad kong sinalag ang walis tambo ng tuloy tuloy itong ihampas sa akin ni Mama. Mabuti na lang ay naiiwasan at nasasalag ko ang mga ito at padaplis dapli lamang sa aking mga braso.

"Aray ma! Masakit naman! Hindi ko naman sinasadya! Promise! ARAYYYYY!"

"Hindi ako natutuwa Callista ha! Kamukha ka na nga ng punyeta mong ama wag mong sabihin na uugaliin mo din ang paguugali nya!?" agad naman akong napasimangot sa sinabi ni Mama.

"Mama nga!" reklamo ko rito at agad na tumakbo ng tangka nitong hablutin ang damit ko. Ngunit huli na ako dahil nahawakan na nito ang manggas ng aking suot na damit at kinaladkad patungo sa aming sala at pabalagbag na pinaupo sa sofa.

"Saan ka nanggaling kahapon!? Bakit away ang binungad mo sa taong nagaalala sayo!? Walangya ka wag mo sabihing nambabae ka!? Ang kapal ng mukha ng panget na to!" gigil na gigil na tanong sa akin ni mama habang nakatayo at nakapamewang sa harap ko. Napabuntong hininga na lamang ako at napakamot sa aking batok bago sinimulan ang pagkkwento rito sa mga nangyari kahapon, mula sa sagutan namin ni Vincent hanggang sa pag-sigaw na nagawa ko kay Adrianna.

"MAMA NAMAN ARAY!" sigaw ko ng pingutin nito ang aking tenga matapos ang pagkkwento ko.

"Nagiinit ang ulo ko sayo Callista ha! Bakit di mo iuntog ang ulo mo sa pader kung galit ka sa bwiset na Vincent na yon!? Dinamay mo pa si Adrianna na wala namang kaalam alam sa mga nangyari sayo! Humingi ka ba ng paumanhin doon sa batang iyon?"

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon