47

12.4K 390 172
                                    

CALLISTA'S P.O.V

"My Baby!!!" agad na lumawak ang aking ngiti ng marinig at masilayan ko si Adrianna na masayang masayang naglalakad takbo patungo sa aking kinaroroonan.

I immediately opened my arms to catch her when she literally throw herself into my embrace. Muntik pa kaming matumba, mabuti na lang ay agad kong nabalance ang katawan naming dalawa.

"I miss you so much!" she exclaimed at agad akong niyakap ng mahigpit, marahan na lang akong napatawa at agad din namang ipinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at kahit imposible na ay hinigit ko pa rin ito papalapit sa akin.

I inhaled her scent and sighed. Grabe sobrang na-miss ko ang mahal kong to.

"Mahal nami—" naputol ang aking sasabihin when she grabbed my face and kiss me eagerly.

"I missed you.." she whispered in my mouth while resting her forehead into mine.

"Mas miss po kita.." tanging tugon ko at mabilis na ginawaran ng mumunting halik ang kanyang labi na ikinatawa naman nito.

"O-okay t-thats enough, Callista stop! Baby!" pumipiglas na saway nito ng hindi pa din ako tumitigil sa paghalik sa kanyang labi.

"Sobrang na-miss kita Mahal. Parang sasabog yung puso ko sa saya dahil nakauwi ka na" I told her sincerely while cupping her face. She just leaned her head in my hand and gazed at me lovingly.

"Im happy that I am finally home too, love. That was the longest two weeks of my life.." sambit nito at muling yumakap sa akin. Kahit na mas mataas ito sa akin ng ilang pulgada ay pilit nitong isinisiksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

I chuckled as I rub her back to soothe her. Kasalukuyan kaming nasa arrival area ng airport. Bukas pa sana ang uwi nila ngunit ang isang ito ay nagpumilit na mauna ng bumalik dito sa Pilipinas, wala na naman daw silang gagawin kasama ang kanyang mga kamag-anak at plano na lang magpahinga ngayong araw bago sila umuwi.

"Signorina Blanc" agad na napabitaw si Adrianna ng may isang lalaking naka suit and tie ang lumapit rito. Agad na napakunot ang noo ko ng mapagmasdan ang itsura nito. Tangina! Ito na ba yung Italian model ni Mahal!?

Kunot noo kong ipinulupot ang aking kamay sa bewang ni Adrianna at marahang hinapit ito papalapit sa akin.

Nagtataka ako nitong ginawaran ng tingin kaya naman agad kong iniwasan ang pagtatama ng aming mata. Nagpapasiguro lang! Mamaya eto na pala ang kaagaw ko sa kanya eh.

"Perché?" agad naman akong napatingin kay Adrianna ng magsalita ito.

"I tuoi bagagli sono qui. Possiamo andare ora" sambit ng lalaki na nagpangiti naman kay Adrianna. Ha? Bakit siya ngumingiti? Anong sabi nung lalaki! Pengeng subtitle!!!!

"Grande. andrò in moto con la mia ragazza. Ho il mio autista qui quindi non devi preoccuparti. c'è un'auto separata per il resto di voi" napatanga naman ako at napatitig sa labi ni Adrianna ng sumagot ito sa kausap niya. Gago! Bakit parang lalong gumanda si Mahal!? Kink ko na ata ang makita at marinig itong nagsasalita ng Italian.

"Sei pronto per andare? lascia che ti assista con il tuo—" hindi na nito natuloy ang sasabihin nito ng dali dali akong humarang sa harapan ni Adrianna ng magtangka itong lumapit dito.

"B-bakit ka lumalapit?" medyo kinakabahang tanong ko dito ng nagtataka ako nitong tinitigan. Naramdaman ko ang paghila ni Adrianna sa aking t-shirt ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.

"Mi scusi signorina, può farsi da parte-"

"Sino ka?" putol kong muli sa sinasabi nito dahil wala naman akong naiintindihan. Asan na ba kasi yung subtitle!!!!

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon