44 Part 2 of 3

10.3K 367 226
                                    

CALLISTA'S P.O.V

"Cali! Hey is that you!?" agad na hinanap ng aking tingin ang boses na tumatawag sa pangalan ko at ang excited na si Amanda ang bumungad sa akin.

"Hey! Congratulations! Champion na MVP pa!" bati niya sa akin ng makalapit na siya sa akin at humalik pa sa aking pisngi. Naiilang na pinunasan ko naman ito ng maghiwalay na kami mula sa pagkakayakap.

"Wow ang arte ha. By the way I just called you to personally congratulate you, I wasnt able to greet kanina sa gym kasi sobrang busy niyo eh" pangaasar nito sa akin ng makita ang ginawa ko kaya naman pareho na lang kaming natawa.

"Sira, tsaka salamat. Congrats din sayo" sambit ko sa kanya pabalik na nakapagpakunot naman ng noo niya.

"Huh? Anong pinagsasasabi mo?" nagtatakang tanong niya kaya naman natawa na lang ako sa naging reaksyon nito.

"Kasi di ka na nalaglag sa stunt niyo na una ang mukha" pangaasar ko sa kanya at humalakhak. May isang performance kasi sila noon na kung saan literal na nalaglag siya mula sa pyramid stunt nila ng una ang mukha.

"Foul gago ka! Sobrang sakit at nakakahiya non!" naiinis na hinampas ako nito sa aking braso na hindi ko na nailagan dahil tawang tawa pa rin ako kapag naaalala ko iyon.

"You're so mean. By the way, where's Adi? Hindi mo siya kasama?" nagtatakang nilinga linga pa nito ang tingin niya na tila hinahanap si Adrianna.

"Nasa VIP room kasama si Alex and Thea, bumaba lang ako with the team kasi alam mo na, hinahanap na daw ang mga champions" paliwanag ko rito at flinex pa ang bicep ko sa harap niya habang tinataas taas pa ang aking kilay.

"Baliw ka talaga. Anyways, I'll go na. My friends are looking for me na ata. Bye! Dont get too drunk!" nagmamadaling paalam nito sa akin at dali daling tinungo ang isang grupo ng mga babae na sa tingin ko ay ang tinutukoy niyang mga kaibigan. I just waved my hands at her at bumalik na sa paghahanap kala Kris.

Naabutan ko ang mga kaibigan ko na nasa gitna ng dancefloor, kasama na rin ang ibang athletes from different sports, habang may isang estudyante din from the Academy ang nagsisilbing parang emcee.

"Okay everyone attention please!"

Sambit nito na nagpahinto naman sa kanya kanyang ginagawa ng lahat. Humina rin ng bahagya ang musika. Ang atensyon ng lahat ay nasa kanya na. Inabutan na naman akong muli ni Kris ng red cup na agad ko namang tinanggap.

"As you all know, we are all gathered here to celebrate the victories of all the athletes who managed to win the championship from the League!" sambit nito na ginantihan naman ng hiyawan ng lahat.

"So everyone put your glasses up! And let us make a toast for the sweet victory of the Phoenixes! For the glory of Blanc Academy! Everyone! Cheers!" sigaw nito sa mic kaya naman sabay sabay naming itinaas ang aming mga hawak na alak at nagsigawan.

"CHEERS!!!"

Matapos kaming sabay sabay na lumagok sa aming kanya kanyang baso ay ang paglakas muli ng musika kaya naman muli na naman kaming nagsigawan at nakiindak at nagtatatalon sa musika. Upbeat na kasi ang music at sinasabayan pa ng panghahype ng DJ kaya naman parang nagmistulang may rave party na sa dancefloor.

Kaliwat kanan ang buhos at abot ng alak, panay lang kami tawanan at sayawan, kung sino sino na rin ang mga nakakwentuhan namin at ang karamihan ay mga athlete din ng Academy, everyone is having a blast, may mga nagdadance battle, nagpapa-shot ng kung ano anong alak, at iba't ibang katarantaduhan sa floor. Natatawa rin kami sa mga naglalaro ng truth or dare na may mga nakakahiyang dare yung isang lalaki nagpa pwet reveal pa.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon